Prosthetic make up artist gumawa ng Halloween-inspired face masks

  • Patok ang mga handcrafted character masks na gawa ng isang prosthetic make up artist sa Laguna
  • Nawalan kasi siya ng raket dahil sa limitadong paggawa ng pelikula at teleserye dahil sa pandemya
  • Ito ang naisipan niyang bagong negosyo upang kumita

Malapit na ang Halloween, at dahil nga sa pandemya, maaaring hindi na magawa ang mga tipikal at nakasanayang gawain kagaya ng “Trick or Treat” o kaya naman ay Halloween party. At paano nga ba gagawin ito kung nakasuot ng face mask?

Kaya naman, iyan ang hatid ng isang prosthetic make up artist na si Rene Abelardo at ng kaniyang mga anak na taga San Pedro, Laguna, matapos nilang lumikha ng mga handcrafted character masks, na maaaring ipatong sa face masks bilang proteksyon sa virus, na  in San Pedro, Laguna.

Imahe mula sa Facebook account ni Rene Alejandro / Public Domain Image

Isa sa mga tampok na disenyo ng kaniyang mga face mask ay ang mukha ni “Pambansang Kamao” Senator Manny Pacquiao. Nariyan din ang iba pang mga foreign fictional characters na sumikat sa iba’t ibang mga pelikula. Ang kaniyang likha ay aabot sa 700 hanggang 1000 piso.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Napakahusay po! Parang totoong-totoo yung face mask ni Manny Pacquiao. Dapat ito yung mga tinatangkilik talaga,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow! Ok ito! I hope safe ang chemical content at hindi makakairita sa face skin, o kaya naman nakaka-suffocate dahil sa mga paints na inilagay.”

Dahil sa epekto ng pandemya, nawalan ng raket sa mga pelikula at teleserye si Alejandro. Umiral ang kaniyang pagkamadiskarte kaya naisipan niyang gumawa ng bagong negosyo at ito ay ang paggawa nga ng character masks; tutal, halos naging bahagi na rin ang face mask bilang “saplot” sa Bagong Normal.

Imahe mula sa Facebook account ni Rene Alejandro / Public Domain Image

Sa kabilang banda, tiyakin pa ring makahihinga pa rin sa pagsusuot ng mga face mask at tiyaking hindi maiirita ang balat at iba pang reaksyon mula dito.

Loading…