PTV4 tatapatan ang mga noontime shows ng GMA, A2Z, TV5 at Net25

Screenshot mula sa Showbizz Balita video
  • Bagong noontime show niluluto ng isang independent producer
  • “Tawa sa Tanghali” ang working title ng show na ipalalabas sa government-owned PTV4
  • Posibleng maipalabas na ang bagong show sa susunod na buwan

Isang noontime show ang kasalukuyang nasa planning stage na nakatakdang ipalabas sa government-owned PTV4. “Tawa sa Tanghali” ang working title ng show. Sakaling matuloy ay makakatapat nito ang mga noontime shows sa ibang TV channels.

Screenshot mula sa Showbizz Balita video

Posibleng sa susunod na buwan ay mapapanood na ang “Tawa sa Tanghali” kaya madaragdagan na naman ang noontime shows na pagpipilian ng mga tao na ang libangan ay ang panonood ng telebisyon, lalo na ngayong may pandemya.

Ang naturang noontime show ay isang blocktime program. Ibig sabihin, ang producer nito ay bumili sa PTV4 ng “block of air time” para i-ere ang programa. Ang blocktiming ay isang unique practice sa Philippine broadcast media. Para kumita ay ibebenta ng blocktimer (producer) ang commercial time sa mga sponsors at advertisers.

Apat na noontime shows ang tatapatan ng “Tawa sa Tanghali.”

Unang-una na ang “longest running variety show” sa Pilipinas – ang “Eat Bulaga” na ipinalalabas sa GMA 7. Forty years nang umeere ang show na pinangungunahan nina Tito, Vic and Joey at mga dabarkads na sina Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballestros, Allan K at marami pang iba.

Sa A2Z naman ay mapapanood ang pinakamatinding karibal ng Eat Bulaga – ang “It’s Showtime” na pinangungunahan naman nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Amy Austria, Ryan Bang, Jhong Hilario at Kim Chiu.

Screenshot mula sa Showbizz Balita video

Ang “Lunch Out Loud” naman na iprinodyus ng Brightlight Productions ang pambatong noontime show ng TV5.

Ang “Happy Time” naman ang inihahain tuwing tanghali sa Net25, na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo affiliate na Eagle Broadcasting Corporation.

Source :

PEP, YouTube

Loading…