PWD na trike driver, hinangaan ang diskarte

Imahe mula sa Facebook | Jsn Ybr
  • Nagbigay ng inspirasyon sa netizens ang isang PWD na patuloy na nagtatrabaho bilang tricycle driver kahit may problema sa pandinig
  • Dahil hirap na makarinig ay binibigyan niya ng white board ang kaniyang mga pasahero kung saan nila isusulat ang kanilang destinasyon
  • Sabi ng uploader sa isang Facebook post, hanga siya kay manong driver dahil patuloy siyang kumakayod sa kabila ng kaniyang kapansanan

Hinangaan ng netizens ang isang tricycle driver na bagama’t mayroong diperensiya sa pandinig ay patuloy na dumidiskarte para buhayin ang kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Jsn Ybr

Ibinahagi ng netizen na si Jsn Ybr ang white board na ginagamit ng nasakyan niyang driver na person with disability (PWD) upang malaman ang destinasyon ng kaniyang pasahero. “Pakisulat lang po kung saan pahahatid. PWD – Mahina pang dinig,” nakalagay rito.

“Saludo ako sa iyo, Kuya Driver. Kahit PWD ay nagagawa pa rin niyang makapagtrabaho nang marangal para sa pamilya niya. Hindi niya alintana ang kapansanan,” sabi ni Jsn.

Sa tricycle ni manong ay mayroon ding note na nagpapaliwanag ng kaniyang kalagayan at humihingi ng pang-unawa mula sa mga mananakay.

Imahe mula sa Facebook | Jsn Ybr

“Sa mahal naming pasahero, ang inyo pong driver ay isang PWD (communication disability). Kung magkaroon mang hindi pagkakaintindihan ay humihingi kami ng paumanhin. Kayo na po ang bahalang mag-pasensiya,” dagdag pa rito.

Bukod sa uploader ay maraming iba pa ang napahanga ni manong driver. Sa katunayan, habang isinusulat ito ay mahigit 10k reactions at 8.4k shares na ang post.

Ani Jsn, hanga siya sa driver dahil hindi ito nawawalan ng pag-asa at patuloy na kumakayod. “Very good ka, manong, sa pag-apply ng 3Cs of life: Choices, Chances, Changes. You must make a CHOICE to take a CHANCE or your life will never CHANGE,” sabi nito.

“‘Pag gusto, may paraan. ‘Pag ayaw, maraming dahilan. God bless po,” pagtatapos niya.

Saludo sa iyo, manong driver!

Source :

Facebook

Loading…