Qatar Airways mamimigay ng 21,000 libreng tiket sa mga guro mula sa iba’t-ibang panig ng mundo

Imahe mula sa Qatar Airways
  • Mamimigay ang Qatar Airways ng 21,000 complimentary tickets sa mga guro
  • Ito ay bilang pakikiisa sa World Teacher’s Day ngayong October 5
  • “First come, first served’ basis umano ang nabanggit na offer

Bilang pakikiisa ngayong World Teacher’s Day, mamimigay ang Qatar Airways ng 21,000 libreng plane tickets sa mga guro sa susunod na tatlong araw simula ngayong Lunes.

Ayon sa website ng Qatar Airways, magsisimula ang pamamahagi ng complimentary ticket ng airlines dakong 4 a.m. Doha time (9 a.m. Manila time) nitong Lunes, Oktubre 5 kung kailan ipinagdiriwang ang World Teacher’s Day.

Magtatapos ito ng 03:59 a.m. Doha time (8:59 a.m. Manila time) sa Oktubre 8.

Imahe mula sa Qatar Airways

Bukas ang nasabing promo sa lahat ng teaching professionals sa iba’t-ibang panig ng mundo. Maaari silang magregister sa qatarairways.com/ThankYouTeachers sa pamamagitan ng pagsubmit ng form para makatanggap ng unique promotion code.

Ito ay ‘first come, first served basis’ na offer umano ayon sa airlines.

Ang masuwerteng makapagre-register ay makatatanggap ng isang (1) Economy Class return ticket sa mga alinman sa 90 destinasyon kung saan kasalukuyang lumilipad ang Qatar Airways’. Maliban dito, makatatanggap din sila ng 50% voucher para sa return ticket na maaari nilang gamitin o kaya ay kanilang kamag-anak o kaibigan.

Ang dalawang tiket ay kapwa maaaring gamitin hanggang sa Setyembre 2021.

“We at Qatar Airways are incredibly grateful for the commitment and hard work of teaching professionals around the world who continue to educate our young people in these times of uncertainty. We know that it has not been an easy task, yet teachers have been incredibly resourceful, turning to online learning and other methods,” ayon sa pahayag ni Qatar Airways Group Chief Executive, His Excellency Mr. Akbar Al Baker.

“As the largest airline flying consistently throughout the pandemic, we have also supported students in recent weeks by flying to wherever they need to be to start their studies on charter as well as scheduled flights. As an airline, we firmly believe in the importance of education and are committed to lending our support to educational causes,” ayon pa kay Mr. Al Baker.

Imahe mula sa Qatar Airways

Ang mga eligible na teaching professionas ay kinabibilangan ng mga: Classroom Paraprofessionals, Teaching Assistants and Substitutes, Intervention and Inclusion Specialists, Tutors, Senior Leaders, Early Childhood Teacher, Student Counsellors, Primary Teacher, Secondary Teacher, Casual Teacher, English as a Second Language (ESL) Teacher, Special Ed Teacher, Teacher Aide, Vocational Education and Training (VET) Instructor, Pre-School and Early Years Practitioners, and Classroom Technicians.

Kailangan lamang magpakita ng isang valid employer ID sa airport check-in point ang mga mapipili at magbibiyahe.

Loading…