‘Que horror!’ Lea Salonga dismayado sa mga mali sa Learning modules

Image by Lea Salonga via Instagram and Facebook
  • Lea Salonga naglabas ng pagkadismaya sa mga mali sa Learning Modules
  • Lea: “This might be never-ending. Excuse me, I need to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!”
  • Ang modular learning ay isa sa mga hakbang para maipagpatuloy ang edukasyon ngayong may pandemya

Nagpahayag ng pagkadismaya ang sikat na mang-aawit na si Lea Salonga kaugnay sa mga mali sa mga module na diumano’y ipinamahagi ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa modular learning na isa sa mga isinasagawa para maipagpatuloy ang pag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

Image by Lea Salonga via Instagram

Gamit ang kanyang Facebook account, ibinahagi ng Broadway star ang isang pahina ng module na nagsasabing i-trace ang titik “O”.

Binanggit dito na ang orange at ostrich ay nagsisimula sa titik “O” pero kapansin-pansin na kuwago o owl ang nasa larawan at hindi naman ostrich.

Nasabi tuloy ni Lea, “For the love of……. there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS AN OWL, YOU IDIOTS!!!”

Sunod niyang ibinahagi ang pahina ng module na may nakasaad na “L is for Rabbit”. Sabi ng mang-aawit, “This might be never-ending. Excuse me, I need to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!”

Pangatlo niyang pinuna ang pahina kung saan ima-match ang kulay ng naka-drowing na krayola sa pangalan nito; kaya lamang ay naka-grayscale naman ang mga drowing ng krayola.

“Okay for those of you that don’t understand Filipino, that means, ‘Match each crayon to its correct name. A is violet, B is blue, C is green, D is red, and E is yellow.’ HOW, HA? HOW? TELL ME, HOOOOOOOOW???” aniya.

Images by Lea Salonga via Facebook

Maliban sa mga nabanggit ni Lea, mayroon pang mga module na naiulat na parang may mali o tila wala sa pagpipilian ang tamang sagot, kabilang na rito ang Filipino Grade 1 module na nagtatanong sa kung ano ang tunog ng eroplano.

Module na may tanong hinggil sa tunog ng eroplano kinaaliwan

Ang mga pagpipilian kasi ay (a) weng-weng-weng, (b) eng-eng-eng, (c) wii-wii-wii, at (d) Pipip-pipip-pipip. May mga nagsabing hindi matutukoy ang tamang sagot dito.

Loading…