Raffy Tulfo, Cheryl Cosim may reaksyon sa paglipat ni Korina sa TV5: “Lalo tayong lalakas”

Screenshot ,mula sa You Tube
  • May reaksyon sina Raffy Tulfo sa paglipat nina Korina Sanchez at Ted Failon sa TV5
  • Biro ni Cheryl, sanay ay hindi sila mawalan ng trabaho
  • Ayon naman kay Sir Raffy, mas lalong lalakas ngayon ang Kapatid network

Mukhang welcome na welcome naman sa Kapatid network si Korina Sanchez na nakatakda nang magsimula ang programang Rated Korina ngayong buwan.

Sa pagtatapos ng prime-time newscast na Frontline Pilipinas sa TV5 kamakailan, napag-usapan ng host na sina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim ang paglipat ni Korina at Ted Failon. Sina Korina at Ted ay dating nakasama ni Cheryl sa ABS-CBN noon.

Screenshot mula sa You Tube

Itinampok kasi sa kanilang balita ang pagpirma ni Korina sa Brightlight Productions para opisyal nang maging Kapatid ang dating Kapamilya broadcaster.

Ani Raffy, “So partner official nang Kapatid si Korina.”

Sagot naman ni Cheryl, “At ‘yan ang hihintayin nila kasi sabi niya ‘di ba ngayong Oktubre ay she’ll be joining us. So dapat i-welcome natin.”

“Siyempre dapat. Andito na si Ted, si Korina… Sino susunod?” sagot naman ni Raffy.

Screenhot mula sa You Tube

Hindi rin napigilan ni Cheryl na magbiro. “Basta, hindi tayo mawawala, ha? Hahaha!” anito sabay tawa.

Subalit agad namang pinawi ni Sir Raffy Tulfo ang pangamba ng kaniyang co-host: “Hindi naman. Nakadagdag sila. Lalo tayong lalakas. Yun, abangan n’yo ang paglalakas pa ng TV5. Sanib-puwersa ang TV5 at Cignal. Dito lang ‘yan.”

Samantala, ibinahagi naman ni Korina na masaya siya sa bagong pinirmahang kontrata at napipintong paglipat sa TV5 matapos ang ilang dekadang pananatili sa ABS-CBN.

“I’m here for a great opportunity and to be in a new home and of course to bring again all those stories to the Filipinos starting this October,” ayon sa kabiyak ni Mar Roxas.

Simula sa Oktubre 24, mapapanood na ang ‘Rated Korina’, isang magazine show na sinimulan ni Korina sa ABS-CBN bilang ‘Rated K’.

Loading…