Raffy Tulfo nakinig sa opinyon ng mga netizens sa hidwaan ni Super Tekla at partner

Composite photo of Raffy Tulfo, Super Tekla, Michelle
  • Raffy Tulfo, pinakinggan ang opinyon ng mga netizens tungkol sa reklamo kay Super Tekla
  • Sinabi ni Idol Raffy na may punto ang mga netizens na nagsabing dapat ay magkaayos na lang si Super Tekla at partner na si Michelle alang-alang sa kanilang anak
  • May mga nagsabi naman na posibleng pera lang ang habol ni Michelle sa komedyante

Kamakailan lang ay nag-viral ang komedyanteng si Super Tekla dahil inireklamo siya ng partner niyang si Michelle Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo.

Imahe muila kay Super Tekla

Isa sa mga sumbong ni Michelle kay Idol Raffy ay namimilit daw si Super Tekla na may mangyari sa kanila kahit masama ang kanyang pakiramdam. At kapag hindi niya ito napagbigyan ay ginugutom sila dahil hindi bumibili ng pagkain.

Maraming netizens na sumubaybay sa programa ni Raffy Tulfo ang hindi naniniwala sa mga ipinaratang ni Michelle laban sa komedyante.

Hinihintay pa ni Raffy Tulfo na marinig ang panig ni Super Tekla, pero may mensahe siya sa mag-partner.

Sa “Idol in Action virtual Mediacon” noong October 21, isang miyembro ng media ang nagtanong sa kanya kung dapat bang magkaayos na lang si Super Tekla at Michelle o dapat bang ituloy ang pagsampa ng kaso sa komedyante.

Sabi ni Idol Raffy, maraming social media users ang nagbigay ng mga komento tungkol sa kaso at may punto raw ang mga ito.

“Para sa akin, magkaayos na lang sana sila. Ako’y nakikinig din sa mga netizen e, tinitignan ko ‘yung mga opinyon ng mga netizen. May mga punto ‘yung ibang mga netizen na sinasabing ‘Bakit ka magkakaso dito kay Tekla dahil for seven years nagmahalan kayo at may naitulong naman si Tekla sa iyo at sa iyong family, etc, etc. Nasaan na ‘yung utang na loob mo? Bakit ‘di na lang kayo mag-ayos?” sagot ni Raffy Tulfo sa tanong.

Imahe mula kay Super tekla

Sang-ayon din siya sa sinabi ng ilang netizens na magkaayos ang dalawa alang-alang sa kanilang anak.

“Then sabi ko, may point ‘yung mga netizen so, mas maganda kung magkaayos na lang sila alang-alang sa kanilang anak,” dagdag pa ni Idol.

Aniya, puwede ring totoo ang sinabi ng mga netizens na pera lang ang habol ni Michelle kay Super Tekla at ang video na ipinadala sa kanyang programa ay “planted.”

Matatandaaang kinuwestyon ni Rose Conde, manager ni Super Tekla, ang intensyon ni Michelle sa pagkuha ng mga video ng pagtatalo nilang mag-partner at pagsusumbong nito kay Tulfo.

Imahe mula kay Michelle Bana-ag

Ayon kay Rose Conde, nakikipaghiwalay na si Michelle at humihingi ito ng pera kay Super Tekla para may pang-umpisa, pero walang maibigay ang komedyante dahil wala pa itong income ngayon sanhi ng pandemya.

Hinihikayat ni Raffy Tulfo si Super Tekla na magsalita sa kanyang programa upang mapakinggan ang panig nito.

“So, mas maganda sana, kung nakikinig si Tekla, kung magsasalita ka tomorrow. Alam mo naman sir na patas ako. Pwede kang magsalita para mapakinggan ka,” mensahe niya para sa komedyante.

Mapapanood sa mark 1:04:30 ng Idol in Action video ang pahayag ni Raffy Tulfo tungkol sa kaso ni Super Tekla.

Screenshot mula sa idol in Action Mediacon video
Source :

Philstar, YouTube

Loading…