Raffy Tulfo pinayuhan na magretiro na alang-alang sa kalusugan

Screenshot mula sa Idol in Action virtual Mediaacon
  • Isang cardiologist ang nagpayo kay Raffy Tulfo na magretiro na sa trabaho
  • Posible umanong maapektuhan ang kalusugan niya dahil sa stress na dala ng kanyang ginagawang araw-araw na pakikinig sa napakaraming mga problema
  • Inamin ni idol Raffy na talagang naaapektuhan ang kanyang kalusugan subalit hindi raw siya magsasawa sa ginagawang pagtulong

Isiniwalat ng beteranong journalist na si Raffy Tulfo sa Idol In Action Virtual Mediacon ng TV5 noong Miyerkules, October 21, na may nagpayo sa kanya na magretiro na sa kanyang ginagawang trabaho para sa kapakanan ng kanyang kalusugan.

Screenshot mula sa Idol in Action virtual Mediacon

Ang ginawa niyang pahayag ay bilang tugon sa tanong ng isang mamamahayag kung hindi ba siya naaapektuhan sa araw-araw na pakikinig ng pagkarami-raming mga problemang idinudulog sa kanyang programa.

Sagot ni idol Raffy, magiging sinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya naaapektuhan sa mga kasong idinudulog sa kanya.

“’Yung sa naaapektuhan, I’ll be lying to you ‘pag sinabi kong hindi…na natutuwa ako palagi araw-araw. I’ll be lying to you if I tell you that,” diretsong sagot niya sa tanong.

Aniya, naaapektuhan ang kalusugan niya at sa katunayan daw ay nagpapatingin siya sa maraming mga doktor tungkol sa health niya at sinasabi raw ng mga ito na bahagi ng stress niya ay ang kanyang trabaho.

Paliwanag niya, nama-manage niya ang stress na nararamdaman dahil sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho.

Minsan daw, isa sa mga cardiologists niya ang nagpayo sa kanya na magretiro na sa trabaho. Napakinggan at napanood daw nito kasi ang kanyang programa.

Screenshot mula sa Idol in Action virtual Mediacon

“Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya ‘yung istilo ng programa ko. Sabi niya, eventually, baka tatamaan ka sa puso,” sabi niya.

Sinabi naman daw niya sa cardiologist na nag-eenjoy siya sa ginagawa kaya kahit nai-stress ay nababawasan naman iyon dahil gusto naman niya talaga ang ginagawa.

Iginiit ni Raffy Tulfo na hinding-hindi siya magsasawa dahil gustong-gusto niya ang ginagawang pagtulong sa mga taong dumudulog sa programa niya.

Panoorin sa mark 43:00 ng video ang pahayag ni Raffy Tulfo:

Loading…