Referee nagpositibo sa COVID sa PBA bubble sa Clark; mga laro tuloy pa rin

Imahe mula sa Facebook-PBA
  • Isang referee ang nagpositibo sa coronavirus sa PBA bubble sa Clark
  • Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagpositibo sa ginaganap na 2020 PBA Philippine Cup
  • Sa kabila nito tuloy pa rin ang laro ng 12 teams, ayon kay Commissioner Marcial

Isang referee umano ang nagpositibo sa coronavirus sa isinasagawang PBA bubble sa Clark, Pampanga, ayon sa pahayag ng liga nitong Miyerkules.

Ang opisyal, na isang asymptomaitic, ay isa sa 27 katao na nagpa-test noong Lunes at nalamang positibo sa virus matapos lumabas ang resulta Martes ng gabi. Maliban sa kaniya, ang lahat ng kaniyang kasamahan ay kapwa negatibo.

Imahe mula sa Facebook-PBA

“The person is now under quarantine at the Athlete’s Village while his 1st and 2nd layer contacts are under strict isolation,” ayon sa pahayag ng PBA.

“The suspect case will be tested today and will be under strict observation. The person’s 1st and 2nd layer contacts, meanwhile, will be retested on October 24 – Saturday,” dagdag pa ng pahayag.

Kinumpirma rin ito ni PBA commissioner Willie Marcial at sinabing isasailalim muli sa pangalawang swab test ang nabanggit na referee nitong Miyerkules. Kaagad naman umanong inalis sa bubble ang opisyal at dinala sa kanilang quarantine facility.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagpositibo sa COVID-19 sa ginagawang 2020 PBA Philippine Cup sa Clark. Mahigit 300 personnel ang kasali sa bubble kabilang na ang mga miyembro ng 12 na team, mga referee, league officials at media na nakatira sa Quest Hotel.

Imahe mula sa Facebook-PBA

Sa kabila nito, tuloy pa rin umano ang mga susunod na laro at nakatakda nang idisinfect ang gym nitong Huwebes.

“Tuloy ang mga games natin. Pinayagan tayong dumiretso ng game. As of now, sinuspend lang namin ang mga activities dito sa hotel katulad ng gym, ng swimming pool,” ani Marcial.

Tiniyak naman ng PBA commissioner na ipinatutupad nila ang mahigpit na protocol at guidelines upang manatiling ligtas ang mga players at lahat ng taong sangkot sa bubble.

Loading…