Regine, Ogie pinasalamatan si Bro. Eddie sa free TV comeback ng ABS-CBN via A2Z

Image by Ogie Alcasid via Instagram | A2Z via Facebook
  • Regine Velasquez at Ogie Alcasid nagpasalamat kay Bro. Eddie Villaneva dahil sa nakabalik na ang ABS-CBN shows sa free TV
  • Regine: Hindi n’yo po alam kung gaano kami kasaya lahat
  • Bro. Villanueva, may sagot sa pasasalamat ng mag-asawa

Labis-labis ang pasasalamat ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid kay Jesus Is Lord Church Worldwide leader Bro. Eddie Villanueva sapagkat binuksan nito ang pintuan ng A2Z (ZOE TV) para muling makabalik ang mga ABS-CBN shows sa free TV.

Image by Ogie Alcasid via Instagram

Sa ilalim kasi ng kasunduan sa pagitan ng ABS-CBN at ZOE ay muling masisilayan ng publiko ang mga Kapamilya shows (bilang content provider) sa free TV sa pamamagitan ng A2Z. Kabilang na rito ang ASAP Natin ‘To kung saan kasama sa cast ang mag-asawang Regine at Ogie.

Wika ng Asia’s Songbird sa Facebook video, “I just want to say thank you to Bro. Eddie for allowing us to be on Channel 11 A2Z. Hindi n’yo po alam kung gaano kami kasaya lahat. It was my first time to see Tita Cory (Vidanes) smiling again. I haven’t seen her (smile in a long time).

Nagpasalamat din si Regine sa lahat ng mga taong nagdasal para sa muling pagbangon ng istasyon at para maipagpatuloy ng network ang layunin nitong pagsilbihan ang mamamayang Pilipino.

“I just wanna say thank you also to everyone who’s been praying for the Kapamilya Channel, maraming-maraming salamat. Alam kong ang daming nagdasal for us, that we’ll be able to return to free TV.”

Image by ZOE TV via Facebook

Tugon naman dito ni Villanueva, “Please tell Sis Regine and Bro Alcasid just thank the LORD who is the real owner of A2Z Channel 11 and who loves all human beings that’s why HE demonstrated HIS LOVE for all of us that when we’re still sinners CHRIST JESUS d*ed for us!”

Bro. Eddie Villanueva todo-suporta sa airing ng It’s Showtime sa A2Z Channel 11

Makikita naman ang pagsuporta ni Villaneva sa mga ABS-CBN shows na ipinapalabas sa network na pag-aari niya. Kamakailan lamang ay namataan siyang nanonood ng episode ng It’s Showtime sa A2Z.

Imahe mula sa Twitter account ni Jovi Villanueva-Binalla

Loading…