Rider na nag-break muna para sa exam, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Seong Cha at Joshua Sales
  • Hinangaan ng isang milk tea shop ang kanilang empleyado na nagpaalam sandali upang mag-exam
  • Anila, sana ay maghatid ng inspirasyon ang kanilang rider para sa ibang mga estudyante
  • Nagpasalamat din sila sa mga sumusuporta sa kanilang milk tea shop dahil nakatutulong din sila sa pagbuo ng pangarap ng mga working student

Isang malaking hamon ang online classes para sa ilang mga estudyanteng walang kakayahang bumili ng gadget at magkaroon ng malakas na Internet connection.

Imahe mula sa Unsplash

Ngunit marami ang piniling pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maipantustos sa mga pangangailangang ito. Kabilang na riyan ang 20 anyos na si Joshua Sales, isang rider mula sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa isang Facebook post ng milk tea shop na Seong Cha ay ibinida nila si Joshua na nagpaalam sandali dahil sa nakatakdang pagsusulit.

“Shout out pala sa sobrang sipag naming rider na si Sir J. Nagpaalam siya na mag-break saglit para mag-take ng prelim exams niya today,” sabi nila sa isang post kalakip ang larawan ng estudyanteng nakaupo sa gilid habang hawak ang kaniyang cellphone.

Sa isang panayam ay sinabi ng second year criminology student na si Joshua na naisip niyang magtrabaho bilang rider para makatulong sa kaniyang ina. “Iniisip ko na may motor naman ako, maaari ko iyong gamitin upang makahanap ng pagkakakitaan,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Seong Cha

Bukod sa pagiging rider ay nagtitinda rin si Joshua ng mantika.

Paliwanag ng Seong Cha, naisipan nilang i-post ang larawan ng kanilang rider upang magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante.

“Posting this very inspiring photo to share some inspiration to everyone na it only takes the right attitude and dedication. He is currently one of our working students na staff ng Seong Cha PH,” dagdag pa nila. “Our Seong Cha Family is very proud of you! Alam namin na maaabot mo rin ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay.”

Payo naman ni Joshua sa mga kabataang tulad niya, “Kung nais mong makita ng direksyon ng iyong patutunguhan, gumamit ka ng bangko na maari mong tuntungan. Dahil sa panahon natin ngayon, hindi pa rin nalalaos ang kasabihang ‘kapag ayaw may dahilan, kung gusto mahahanapan ng paraan.'”

Source :

Facebook

Loading…