Road clearing operations sa GCQ, MGCQ areas muling itutuloy simula Nov. 16

Imahe mula sa PNA
  • Muling ipagpapatuloy ang nabalam na road clearing operations
  • Ang clearing operations sa GCQ at MGCQ areas ay sisimulan sa November 16, 2020 hanggang January 15, 2021
  • Suspendido pa rin ang operasyon sa mga ECQ at MECQ areas

Naglabas ng Memorandum Circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nagbibigay ng direktiba sa mga local government units (LGUs) na muling ituloy ang nabalam na road clearing operations.

Screenshot mula sa UNTV video

Matatandaang noong Pebrero ay binigyan ng DILG ang mga LGUs ng 75 days upang alisin ang mga obstruksyon o mga sagabal sa kalye na nagdudulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko at bawiin ang mga kalsadang tinayuan ng mga ilegal na istruktura. Ang road clearing operations ay natigil noong Marso nang magdeklara ng community quarantine ang pamahalaan dahil sa pandemya.

“Sisimulan na po ulit ang road clearing starting November 16. We hope that the LGUs, despite the COVID-19 pandemic, will show the same enthusiasm and positive results that they were able to achieve last year as we aim for safer and accessible roads free from illegal and potentially hazardous encroachments,” pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año.

Sa kabila ng deadline na January 15, 2021, nais ipaalala ni Sec. Año sa LGUs na “year-long endeavor” ang road clearing operations.

“Despite the January 15 deadline, we wish to remind the LGUs that road clearing operation is year-long endeavor, kaya kailangan natin ang kanilang commitment at pakikiisa,” aniya.

Imahe mula sa Daily Guardian

Sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine ay gagawin ang “full implementation” ng road clearing operation, samantalang sa general community quarantine areas ay partial implementation lang.

Suspendido pa rin ang clearing operations sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine.

Loading…