Ruru Madrid ‘inuutangan’ ni Buboy Villar ng P250K, pero nag-alok ito ng P150k na bigay lang

Screenshot sa vlog ni Buboy Villar
  • Napatunayan ni Buboy Villar na tunay na kaibigan si Ruru Madrid na handang dumamay sa oras ng pangangailangan
  • Inuutangan ni Buboy ng P250,000 si Ruru
  • Imbes na magpautang, handa si Ruru na magbigay ng P150k para sa mga anak ni Buboy na inaanak niya

Inaanak ni Ruru Madrid ang mga anak ni Buboy Villar. At dahil magkumpare silang dalawa, hindi nangimi si Buboy na lapitan si Ruru para utangan nang magkaroon siya ng “financial problem.”

Screenshot sa vlog ni Buboy Villar

Tinawagan ni Buboy si Ruru para sabihin ang ‘problema’ niya sa pagsusustento sa mga anak sa dating American partner na si Angillyn Gorens na nasabay pa sa due date ng monthly installment para sa bagong kotseng Mercedes Benz na binili.

Two hundred fifty thousand pesos ang hinihiram niya kay Ruru, na medyo nagulat din sa problema ng kumpare.

Bilang isang tunay na kaibigan, sinabi ni Ruru kay Buboy na magbibigay na lang siya ng P150,000 – hindi utang kundi bigay lang para sa mga anak ni Buboy na inaanak niya.

Pero isang prank lang pala ang ginawa sa kanya ni Buboy para gawing content sa vlog niya.

“Sige, ganito… bigyan kitang one fifty (thousand) pero hindi na utang ‘yun,” sabi ni Ruru.

“Grabe naman ‘yun, Ru. Nakakahiya naman ‘yun, Ru,” sabi naman ni Buboy na nagkunwari pang naiiyak.

Screenshot sa vlog ni Buboy Villar

“Syempre, mga anak mo inaanak ko rin ‘yun. Ikaw kumpare kita. Tagal na nating magkaibigan,” sagot ni Ruru na hiningi pa ang bank account number ng kaibigan para maipadala na ang pera.

Natawa na lang si Ruru nang sinabi ni Buboy na prank lang ‘yun.

“Salamat kasi kahit prank ito gusto mong totohanin. Puwede bang kuhanin ko ‘yung one hundred fifty (thousand)?” natatawang sabi ni Buboy.

Screenshot sa vlog ni Buboy Villar

Isa lang si Ruru sa tatlong nabiktima ng utang prank. Naunang tinawagan ni Buboy ang kaibigang rapper na si  Pricetagg at ang comedienne na si Gladys Guevarra.

Panoorin ang utang prank vlog ni Buboy Villar:

Source :

YouTube, MSN

Loading…