Sale events sa mga malls, iba pang establisimyento pinapayagan na

Imahe mula sa Pilipino Mirror
  • Sale at promotional events sa mga malls at iba pang establisimyento pinapayagan na ng IATF
  • Kailangan lang sundin ang mga alituntunin ng DTI hinggil sa operasyon ng mga malls at business establishments
  • Ang mga papayagang magsagawa ng sale events ay ang mga establisimyentong nasa GCQ at MGCQ areas

Sa kabila ng ginawang pagluluwag sa mga ipinaiiral na community quarantine sa bansa ay kapansin-pansin na matumal pa rin ang takbo ng maraming negosyo, lalo na sa mga higanteng shopping malls na ang karamihan ng mga tindahan sa loob ay sarado pa rin.

Imahe mula sa SM Supermalls

Upang mahikayat ang mga tao na muling gumasta nang sa gayon ay sumiglang muli ang kalakalan at ang ekonomiya ay pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagsasagawa ng mga sale events sa mga shopping malls at iba pang establisimyento.

Kailangan lang sundin ang mga alituntunin ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa operasyon ng mga shopping malls.

Ang mga establishments at mga malls may hold activities para magkaroon ng economic o business activity. Ito po ‘yung mga sales, pero subject po ito sa DTI guidelines in the operation of malls and shopping malls,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang mga sale events ay papayagan lang sa mga shopping malls na matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

“Promotional events inside malls would be allowed in areas under general community quarantine  and modified general community quarantine,” ani Trade Secretary Lopez.

Imahe mula sa Sagisag

“In yesterday’s IATF meeting, IATF approved DTI’s proposal to allow again mall-wide sale to generate more economic activities,” sabi pa ng kalihim.

Hinihikayat din ni Se.Lopez ang mga local government units (LGUs) na maglabas ng kani-kanilang ordinansa na magpapaikli sa curfew hours.

“We enjoin LGUs to remove or ease up on their policy on curfew, without sacrificing the enforcement of health protocols, to generate more jobs and income opportunities. This includes allowing necessary business establishments and workers to open or travel within curfew hours,” aniya.

Imahe mula sa Manila PIO
Source :

PNA, Inquirer

Loading…