Sana all! P10-K umento sa sahod ng mga nurse, aprubado sa Cebu

  • Dagdag sahod sa mga nurses sa Cebu, aprubado ng provincial board
  • Entry-level nurses, makatatanggap na ng P32,053.00 mula sa dating P22,316.00
  • Pinuri ni BM Glenn Anthony Soco ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga healthcare workers lalo na ngayong may pandemya

Aprubado na ng provincial board ng Cebu ang karagdagang sahod sa mga nurses sa lalawigan yamang mahalaga ang nagiging kontribusyon ng mga ito sa pag-aalaga sa mga pasyente sa mga ospital lalo na ngayong may pandemya.

Batay sa ordinansa, nasa P10,000.00 ang dagdag-sahod na matatanggap ng mga entry-level nurses. In-upgrade kasi nito ang sahod ng posisyong Nurse 1 mula sa dating Salary Grade 11 (P22,316.00) patungong Salary Grade 15 (P32,053.00). Wow!

Gayundin ang magaganap sa iba pang posisyon: magiging SG 17 na ang sahod ng Nurse II mula sa dating SG 15, magiging SG 19 na ang Nurse III mula sa dating SG 17, at SG 20 na ang matatanggap ng mga Nurse IV mula sa SG 19.

Sakop nito ang lahat ng mga nurses na empleyado ng Cebu Provincial Health Office, Capitol-run provincial and district hospitals, Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Pahayag ni Provincial Board Member Glenn Anthony Soco na siyang may akda sa ordinansa, “Even before the pandemic, nurses are considered essential and vital in patient and hospital care. In fact, it is said that shorter hospital stays reflect nurses’ ability to affect efficiency as well as quality.

“Nurses are literally the lifeblood in any healthcare institution. They spend most of their time with patient care, emergency response, both emergency care and even outpatient medical services.”

Image by PNA via website

Kaya marapat lamang, aniya, na gawin ng Kapitolyo ang makakaya para sa proteksyon at pagpapahusay sa nursing profession sa pamamagitan ng paggawa ng mga measures para sa ikabubuti ng kanilang working conditions, compensation, continuous nursing education at career development.

Ang pagtaas ng sahod sa mga nurses sa lalawigan ay naaayon sa Department of Budget and Management Circular No. 2020-4 in relation to Republic Act 9173 o The Philippine Nursing Act of 2002.

Maipatutupad ang dagdag sahod sa 15 araw pagkatapos ng publikasyon nito sa newspaper of general circulation sa lalawigan.

Loading…