Sandara Park namalengke, kumain sa Filipino food market sa South Korea

Screenshot mula sa DaraTV
  • Bumisita si Sandara Park sa isang Filipino food market sa South Korea
  • Kumain siya ng mga pagkaing Pinoy at bumili ng mga Philippine products
  • Sa unang tindahan na pinuntahan ay agad siyang nakilala ng mga tinderang Pinay

Idinokumento ni Sandara Park sa pamamagitan ng kanyang vlog ang pagbisita niya sa isang Filipino food market sa Seoul, South Korea kung saan namili siya ng ilang Philippine products na kinalakihan niya dito noon sa Pilipinas.

Screenshot mula sa DaraTV

Kasama ang producer na si Shin, kumain silang dalawa ng mga pagkaing Pinoy gaya ng pinakbet, sinigang na baboy at Filipino-style spaghetti.

“Papunta ako ngayon sa isang Philippine market na naririnig ko lang. Kasama kong pupunta roon si producer Shin,” sabi ni Sandara sa wikang Koreano sa simula ng vlog niya.

Sabi pa ni Sandara o Dara, titingnan niya raw kung may mga Pilipinong makakakilala sa kanya. Karamihan daw kasi ng mga Pinoy na lumaki sa South Korea at walang access sa Philippine TV ay hindi na siya kilala.

Pagdating sa Filipino food market ay agad bumungad sa kanya ang sari-saring mga produkto mula sa Pilipinas – mga de lata, instant noodles, mga panimpla at iba pa. Una niyang binili ang Mang Tomas Sarsa ng Lechon, Purefoods Corned Beef at Tocino at Knorr Sabaw ng Sinigang Mix.

Screenshot mula sa DaraTV

Sa unang tindahan pa lang ay agad siyang nakilala ng mga tinderang Pinay kahit may suot siyang face mask kaya sa halip na makapamili pa ay halos maubos ang oras niya sa pakikipag-selfie sa mga Pinoy fans.

Ilang beses rin siyang natitigil sa pagkain dahil hindi siya tumatanggi sa mga request ng fans na makapagpa-picture kasama siya. Sabi nga ng isang matandang Koreana ay napakabait niya at very accommodating sa mga tagahanga.

Screenshot mula sa DaraTV

Tinapos ni Dara ang kanyang vlog sa pagpapasalamat sa suporta ng mga Pinoy fans.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Mabuhay! Mahal ko kayo”

Narito ang vlog ni Dara:

Loading…