Sasakyang walang RFID sticker hindi na papapasukin sa SMC-operated expressways simula December 1

Imahe mula sa MoneyMax
  • Pinalawig ng SMC ang deadline para sa pagpapakabit ng Autosweep RFID stickers mula November 2 hanggang November 30
  • Simula December 1 ay hindi na papayagang makapasok sa SMC-operated tollways ang sasakyang walang RFID sticker
  • Kabilang sa mga SMC-operated tollways ang SLEX, Skyway, NAIAX, STAR Tollway, TPLEX at MCX

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) sa mga operators ng expressways na magpatupad ng cashless transactions bilang pag-iingat sa COVID-19. Batay sa Department Order No. 2020-012, ang deadline ng full implementation ng cashless at contactless payment system ay sa November 2, 2020 na.

Imahe mula sa Auto Deal

Katulad ng kautusan ng DOTr, handa nang ipatupad sa nabanggit na petsa ang bagong payment scheme sa lahat ng San Miguel Corporation (SMC) operated tollways, subalit dahil sa pagdagsa ng maraming motorista na sabay-sabay na nagpapakabit ng Autosweep RFID stickers ay minabuti ng kumpanya na palawigin pa ang full implementation ng cashless payment.

Na-extend hanggang November 30 ang pag-iisyu nito ng libreng RFID stickers.

“By November 2, all lanes at our toll plazas will be fully capable and converted to electronic toll collection, in full compliance with the government’s mandate. However, after careful study and deliberation,  and especially in consideration of so many motorists who have not been able to secure an Autosweep RFID account because of the volume of applications we have today, we have decided to extend the deadline to November 30,” ayon sa kumpanya.

“This means that from November 2 to 30, vehicles without RFID will still be allowed to enter the expressways. Hopefully, this will give more time for motorists to get their RFID stickers,” dagdag pa ng SMC.

Imahe mula sa Auto Deal

Binigyang-diin ng SMC na ang November 30 ay “absolute deadline.” Simula sa December 1 ay hindi na papayagang makapasok ng SMC-operated tollways ang mga behikulong walang RFID sticker.

Kabilang sa mga SMC-operated tollways ang South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX), STAR Tollway, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

Ang mga sasakyang walang RFID sticker na papasok sa mga nabanggit na expressway simula December 1 ay huhulihin na at iisyuhan ng citation ticket.

Imahe mula sa Toll Regulatory Board

Loading…