Sec. Año hihikayitin ang mga mayors na payagang i-display ang mga anti-CPP, NPA, NDF tarps

Imahe mula sa PCOO/Manila PIO
  • Hihikayatin ni DILG Sec. Año ang mga mayors na payagan ang pagdi-display ng mga tarpaulin na tumutukoy sa CPP/NPA/NDF
  • Sinabi ng kalihim na ang mga tarpaulin ay isang uri ng mapayapang pamamahayag ng publiko
  • Ang pahayag ni Sec. Año ay kasunod ng ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno na ipinatanggal ang taurpalin na nakita sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hihikayatin niya ang mga local chief executives (LCEs) na payagang mai-display ang mga taurpalin na tumutukoy sa sa mga komunistang rebelde.

Imahe mula sa Manila PIO

Ang pahayag ni Sec. Año ay kasunod ng aksyong ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno na tanggalin ang mga taurpalins na nakita sa siyudad na nagsasaad na “persona non grata” sa Metro Manila ang mga grupong New People’s Army (NPA), Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF).

Ang isa sa mga tarpaulin na nakita sa overpass malapit sa US Embassy sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay agad ipinatanggal ni Mayor Isko.

“We should spread love, not hate, in this pandemic. Pilipino kapwa Pilipino magkaisa muna,” pahayag ni Yorme sa pagpapatanggal ng mga taurpalins.

Ayon naman kay Manila Public Information Office chief na si Julius Leonen, kung may makikita pang kaparehong tarpaulin sa lungsod ay agad iyong ipatatanggal.

Sinabi ng Interior secretary na maaaring may sariling katwiran ang alkalde ng Lungsod ng Maynila sa ginawa nitong aksyon. Iginiit niya na ang mga taurpalin ay isang uri ng mapayapang pagpapahayag ng publiko.

Imahe mula sa Manila PIO

“As to the action of Mayor Isko Moreno, he must have his own reasons, but I would encourage LCEs to allow it. As I said, these tarpaulins are peaceful expressions of our people,” anang kalihim.

Sinabi pa ni Sec. Año na kung hindi ka naman miyembro ng CPP/NPA/NDF ay walang dapat ipag-alala. Kasabay nito ay hinihikayat niya ang mga miyembro ng mga nasabing grupo na bumalik na sa mapayapa at produktibong pamumuhay.

Loading…