“Sekyu” ng BI na P10K a month ang sweldo nakapamasyal abroad, nakabili ng bahay at SUV

Imahe mula sa The Filipino Times
  • SALN ng isang security guard sa BI, binusisi ng NBI Special Action Unit
  • Umabot sa mahigit P14 million ang nakadeklarang total assets ng sekyu na sumusuweldo ng P10K a month
  • Ang sekyu ay nakabili ng bahay na P4.5 million ang halaga, may dalawang sasakyan at walong beses mamasyal sa ibang bansa kada taon

Isang security guard sa Bureau of Immigration (BI) ang ilang beses nang nakapamasyal sa labas ng bansa, nakabili ng bagong bahay at sports utility vehicle (SUV). Ang naturang “sekyu” ay sumusuweldo lang ng sampung libong piso (P10K) kada buwan.

Screenshot mula sa GMA video

Ang Immigration security guard ay isa lang sa mga isinasailalim sa lifestyle check ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kontrobersyal na “Pastillas Scheme” kung saan ang mga Chinese nationals ay nagbibigay ng suhol sa mga BI officers upang makapasok sa bansa nang walang kuwestyon.

Napag-alaman ng NBI Special Action Unit na ang naturang sekyu ay may total assets na nagkakahalaga ng P14, 120,000 batay sa idineklara nitong statements of assets, liabilities and net worth (SALN) noong 2018.

Ayon kay Atty. Emeterio Donggalio, NBI Special Action Unit chief, nakadeklara sa SALN ng guwardiya ang bahay na nagkakahalaga ng P4.5 million, mga alahas at dalawang sasakyan kabilang ang isang SUV.

Batay sa record na nakalap ng NBI, nag-travel abroad ang sekyu nang walong beses kada taon. Kabilang sa mga pinasyalang bansa ay Japan, United States at Europe.

“Ang security guard, salary grade 4 or 5 lang ‘yan… So more or less kung sume-suweldo ‘yan… P8,000 to P10,000 ‘yan a month,”  sabi ni Donggalio.

Screenshot mula sa GMA video

“Pag sobrang laki naman ng dineklara mo na hindi mo na maju-justify it is safe to say na puwedeng may kinalaman ka talaga diyan sa pastillas, ano?” sabi pa niya.

Ayon pa sa NBI official, ang SALN ay magiging bahagi ng ebidensya sa imbestigasyon sa Pastillas scheme.

Samantala, ibinahagi ng NBI ang isang surveillance video sa pagpupulong ng mga BI officials na under investigation sa Pastillas scheme. Makikita ang sunud-sunod na paglabas ng mga ito sa parking area sakay ng kanilang mga SUV at luxury cars na Ford Mustang at Mercedes Benz.

Batay sa tracking records ng NBI, halos buwan-buwan ay nasa out-of-town trip ang ilan sa mga naturang opisyal.

Screenshot mula sa GMA video
Source :

MSN, Philstar

Loading…