Sen. Cynthia Villar sa DA: Bantayan ang mga farmers’ cooperatives na nag-aangkat ng bigas

Screenshot mula sa Radyo5 video
  • Pinababantayan ni Sen. Cynthia Villar sa Department of Agriculture ang mga farmers’ cooperatives na nag-aangkat ng mga bigas
  • Posible umanong magamit ang mga kooperatiba bilang front ng mga negosyanteng ayaw magbayad ng buwis
  • Nangako ang DA na magbabantay upang maiwasang magamit ng mga traders ang mga kooperatiba

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Finance sub-committee B noong Lunes, October 12, sinabihan ni Senator Cynthia Villar ang Department of Agriculture (DA) na bantayan ang mga farmers’ cooperatives na nag-aangkat ng mga bigas dahil maaaring magamit sila ng mga negosyante na ayaw magbayad ng buwis.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Cynthia Villar

Tinanong ng senadora sa nasabing hearing kung tama ba na marami ang bilang ng mga farmers’ cooperatives na nag-i-import ng bigas ngayon na hindi nagbabayad ng tariff o buwis.

“There are a lot of cooperatives importing rice again. Is that right? Cooperatives importing rice without tariffs? Ha? Is that right? Ha?” tanong niya kay DA Secretary William Dar at Undersecretary Ariel T. Cayanan sa virtual hearing.

Sinagot ni Usec. Cayanan ang tanong ng senador at sinabing pinapatawan ng tariffs ang mga kooperatiba na nag-aangkat ng bigas. Ito ay batay raw sa pakikipag-usap ng DA at sa ginawang beripikasyon sa Bureau of Customs.

Hiniling ng senadora na linawin ang sinabi ni Usec. Cayanan.

“You validate that. What I know is that cooperatives are free of tariff. Clarify that,” aniya.

Screenshot mula sa Radyo5 video

Naalala pa ni Sen. Villar na noong nakaraang administrasyon ay siya ang nagpiyansa sa mga nakulong na miyembro ng kooperatiba na ginamit na front ng mga traders sa rice importation

“Traders were using co-ops as a front to import rice. They just give the co-ops a small share then they also smuggled in addition with their rice importation permits. Some were caught. The co-ops were jailed in the last administration. I had to pay their bail because they asked for my help,” anang senadora.

Nangako naman ang DA na babantayan ang mga kooperatiba ng mga magsasaka para maiwasan na magamit sila ng mga unscrupulous rice traders.

Imahe mula sa UNTV

Loading…