Senior citizen hanggang edad 70 anyos nais na ring palabasin ng bahay

Imahe mula sa Xinhua
  • Sumulat ang isang kongresista sa Malakanyang upang hilingin na iakyat ang edad ng mga pinapayagang makalabas ng bahay ngayon
  • Nais ng mambabatas na payagan na ring makalabas ang hanggang 70 anyos
  • Makatutulong umano ito upang maiwasang makaranas ng depression ang mga matatanda

Umapela ang isang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan nang makalabas ng kanilang bahay ang mga senior citizen na hanggang 70 anyos ang edad.

Nakaaalarma na raw kasi na tatlo sa 10 matatandang Pinoy ay nakararanas ng depression, ayon kay Senior Citizen partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes.

Imahe mula sa Facebook

Sa pinaiiral na guidelines ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), yaong mga edad 15 hanggang 65 anyos lamang ang pinapayagang makalabas ng bahay ngayon.

Ayon kay Ordanes, sumulat na siya sa Pangulo upang iapela na payagan nang makalabas ang matatanda na hanggang 70 anyos.

“Mr. President, I respectfully recommend that the coverage of the lifting of age-based stay-at-home restrictions and other benefits provided by IATF Resolution No. 79-2020 be expanded to include senior citizens up to the age of 70-years-old, instead of the proposed age of up to 65-years-old,” ayon sa sulat ni Ordanes.

Imahe mula sa PIA

Nakasaad pa sa sulat ni Ordanes na makatutulong sa ‘social and economic difficulties’ na nararanasan ng 2.5 milyong senior citizen dahil sa pandemya ang pag-aakyat ng edad sa 70 anyos para sa mga pinapayagang makalabas ng bahay.

“If the coverage of the resolution is expanded, 2.5 million of our senior citizens will be lifted out of depression which three out of 10 of our elderly suffer from today, as they will be allowed to engage again in social activities and be taken out of social isolation,” wika ng sulat ng kongresista.

Umaasa naman ang kongresista na pakikinggan ng Malakanyang ang kaniyang kahilingan.

Loading…