Senior citizens payagang makabili sa mall, grocery stores kahit dalawang oras lang – NCSC

Imahe mula sa The Star
  • NCSC, nanawagan na payagang makabili sa shopping malls at grocery stores ang mga senior citizens
  • Iminungkahi ng NCSC chairperson na kahit dalawang oras lang sa umaga ang ibigay sa mga matatanda upang makabili ng mga pangangailangan
  • Kahit nakalagay sa IATF guidelines na maaaring lumabas ang senior citizens para sa pangangailangan, marami umanong establisimyento ang tumatangging papasukin sila

Umaapela ang bagong tagapangulo ng National Commission of Senior Citizens na si Atty. Franklin Quijano na payagan ang mga senior citizens na makabili ng kanilang mga basic necessities sa mga shopping malls at grocery stores sa buong bansa.

Screenshot mula sa PTV video

Hiniling niya sa mga may-ari ng mga naturang business establishments na paglaanan ng kahit dalawang oras lang ang mga matatanda upang mabili ang kanilang mga pangangailangan. Nanawagan din siya sa mga local government units na suportahan ang kanyang panawagan.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Quijano na dini-disinfect naman ang mga malls at grocery stores tuwing gabi kaya sigurado raw na mababa ang risk of infection sa mga matatanda sakaling payagang makaposk sa mga naturang establisimyento.

“Ang dami po ng nagrereklamo dahil ang senior citizen ay hindi pinapasok sa mall, hindi pinapasok sa mga grocery areas and sometimes they cannot get their basic necessities,” ani Quijano.

Ang suhestyon ni Quijano ay ibigay sa mga senior citizens ang unang dalawang oras ng operasyon ng mga tindahan at pagkatapos niyon ay saka pa lang papapasukin ang ibang mga customers.

“If the mornings will be given to the senior citizens, maski dalawang oras lang po, from 9 to 11 in the morning, when the store opens and up to 11; and then the general public can come in afterwards, that is really is so much gift that you can give the senior citizens,” panukala niya.

Imahe mula sa F&B report

Sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging infectious Diseases,hindi pinapayagang lumabas ng bahay ang below 21 years old at mga senior citizens maliban na lang kung kailangang bumili ng pangangailangan o kaya ay papasok sa trabaho.

Sabi ni Quijano, sa kabila ng malinaw na exception sa IATF guidelines, maraming mga business establishments ang tumatangging papasukin ang mga senior citizens.

Loading…