Shopping spree ng babae gamit ang nakaw na credit cards, nahulicam

Screenshot mula sa GMA video
  • Isang babae, nag-shopping galore gamit ang mga nakaw na credit cards
  • Nahulicam ang shopping spree ng suspek
  • Sa loob lang ng isang oras ay umabot sa P71,796 ang napamili ng suspek bago na-block ang credit cards

Sa loob lang ng isang oras ay nakapag-shopping sa iba-ibang grocery stores at shopping malls ang isang babae na ang halaga ay umabot sa mahigit P71,000 gamit ang mga nakaw na credit cards. Ang shopping spree ng suspek ay nahulicam.

Screenshot mula sa GMA video

Alas-tres ng hapon noong September 26 nang matangay ng babae ang wallet ng biktima sa loob ng isang membership store.

Ini-report naman agad ng biktima at kanyang asawa ang pangyayari para maipa-block ang mga credit cards, subalit naging mabagal ang proseso kaya’t bago pa man mai-block ay tagumpay na nagamit iyon ng suspek.

Umabot sa P71,796 ang napamili ng babae bago na-block ang credit cards.

Na-trace naman kung saan-saan ginamit ng suspek ang mga credit cards. Nakakuha rin ang biktima ng kuha ng CCTV camera habang gamit ng suspek ang mga cards.

Dakong 3:15 ng hapon noon ding araw na iyon unang sinubukan ng babae na gamitin ang mga credit cards, ngunit nabigo siya.

Tagumpay na nakapag-grocery ang suspek 6:12 ng gabi. Umabot sa P25,000 ang napamili niya. Makalipas lang ang limang minuto ay isang microphone naman na nagkakahalaga ng P14,200 ang kanyang binili.

Screenshot mula sa GMA video

Sunod itong nakabili ng damit, 6:39 ng gabi. Nagkakahalaga iyon ng P8,865.

Plates ng dumb bell na nagkakahalaga ng P6,000 ang sunod na binili ng babae dakong 7:03 ng gabi nang araw ding iyon.

Bago maipa-block ay nakapag-grocery ulit ang babae ng halagang P16,586.

Screenshot mula sa GMA video

Dismayado ang mag-asawang biktima sa mabagal na proseso ng pagpapa-block ng credit cards. Kung mabilis lang daw sana ang aksyon ay hindi aabot sa ganoong halaga ang magagamit ng suspek.

Aabot ng 60 hanggang 100 days bago maglabas ng desisyon ang bangko kung pagbabayarin ang biktima sa mga pinamili ng suspek o hindi na.

Ayon sa biktima, hindi rin naging mabusisi ang mga tindahan sa pagtingin ng pirma. Malayong-malayo raw ang pirma na ginawa ng suspek sa pirma na nasa credit cards.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga maaaring nakakakilala sa suspek na ang palatandaan ng pagkakakilanlan ay isang ‘dimple’  sa kanang braso sa likod ng balikat.

Panoorin at ipagbigay-alam kung may nakaaalam sa babaeng nasa video:

Source :

YouTube

Loading…