SHS student humingi ng inspirasyon kina Sorsogon Governor Chiz Escudero, Atty. Chel Diokno

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang Grade 12 HUMSS student
  • Humingi kasi siya ng payo mula kina Sorsogon Governor Chiz Escudero at Atty. Chel Diokno
  • Nagpaunlak naman ang dalawa at nagbigay ng kanilang “words of wisdom”

Sabi nga, upang magawa mo ang isang bagay na iyong pinapangarap, kailangan mo ring humanap ng mga taong magiging inspirasyon mo upang makamit ito. Sapat na ang mga payo at mabubuting pahayag mula sa kanila na magsisilbing gabay sa landas na ninanais tahakin.

Kagaya na lamang ng isang Senior High School student na nagngangalang Hans Aleksi Casilag na nagpadala ng email kina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero at Atty. Chel Diokno upang humingi ng payo at “words of wisdom” para sa mga kagaya niyang nangangarap na maging abogado.

Imahe mula sa Facebook account ni Hans Kasilag

“Aspiring to become a lawyer means you need to study hard. It is not only about memorizing laws or being able to argue or debate about certain issues. You need to develop good study habits, patience, and focus. One must also learn to love what you are reading,” bahagi ng tugon ni Governor Escudero.

“Know that in choosing your career, you need to discover the reason on why you want it. One must understand the importance of being a lawyer. Being a lawyer is not just about prestige and glam. When you become a lawyer, you are in a position to help individuals, groups, and organizations, especially those who are oppressed and abused. As a lawyer, you have the opportunity to give voice to the voiceless and to stand up for those who are wronged,” dagdag pa niya.

Nagbigay naman ng tatlong paalala si Atty. Diokno para kay Hans.

Una, kailangan daw maging dedicated. Hindi raw madali ang maging abogado. Inilarawan niya ito bilang “difficult” at “stressful” lalo na raw ang pagiging abogado sa Pilipinas. Sa kabilang banda, makatutulong daw ito upang maging mahusay na manager ng oras, maging organisado, at mapamahalaan ang mga “pressure.”

Imahe mula sa Facebook account ni Hans Kasilag

Pangalawa, kailangan daw pagbutihin at linangin ang mga kasanayan sa pagsasalita at pagsulat. May dalawang “weapon” daw ang mga abogado: ito ay ang written word at spoken word. Ibinahagi niya na ito rin ang naging payo sa kaniya ng kaniyang ama: mag-ensayo sa pagsusulat at pagsasalita sa wikang Ingles at wikang Filipino.

Pangatlo, kailangan daw maunawaan niya ang batas. “This perhaps, is the best way to prepare for the legal profession, to always do what is right and fair, and to convince others to do the same.”

Si Kasilag ay isang Grade 12 HUMSS student sa Tayabas Western Academy sa lalawigan ng Quezon. Ang HUMSS ay isang strand sa Senior High School na nangangahulugang “Humanities and Social Sciences.”

Loading…