Simbahang Katolika, hinanapan ni Yorme ng plano para sa mas ligtas na Simbang Gabi

Imahe mula sa Pampanga Directory
  • Sinabi ni Mayor Isko na dapat nang maglatag ng plano ang Catholic Church para sa Simbang Gabi
  • Sang-ayon si Fr. Badong ng Quiapo Church sa hiling ni Yorme
  • Nanawagan naman si Bishop Broderick Pabillo na magkaroon ng adjustment sa curfew hours para sa Simbang Gabi

Maagang nanawagan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamunuan ng Simbahang Katolika na maglatag na ng plano para sa Simbang Gabi o Misa De Gallo na taunang ginagawa tuwing buwan ng Disyembre.

Screenshot mula sa GMA video

Ani Mayor Isko, ngayon pa lang ay dapat nang pinag-uusapan kung ano ang plano para sa pagsasagawa ng siyam na araw na Simbang Gabi na sinisimulan tuwing December 16 at nagtatapos sa Christmas Eve o December 24.

“Let me take this opportunity para manawagan sa mga leader sa simbahan to come up with a plan among themselves on how are we going to practice the tradition of Simbang Gabi. We just want to be ahead because there are things that we cannot control but puwede naman maiwasan,” ani Yorme.

Nais ni Mayor Isko na gawin ang Misa de Gallo sa paraang hindi makokompromiso ang kalusugan ng mga mananampalataya dahil sa COVID-19.

Nanawagan din ang alkalde na sana ay maunawan ng publiko ang bigat ng sitwasyon.

“Ako rin naman nananawagan sa mga mamamayan. I want them also to be responsible enough to understand the gravity of the situation,” aniya.

Imahe mula sa PNA

Sumang-ayon naman si Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quaipo Church, sa sinabi ng alkalde. Aniya, kailangang balansehin ang pananampalataya at kapakanan ng mas nakararami.

“Kung kinakailangang mag-adjust ng simbahan, sa mga misa, gagawin ng simbahan ‘yon pero sadyang hindi natin mapipigilan na hindi tayo magdiwang, ‘di natin mapipigilan ang mga tao o mismo ‘yong walang misa o Simbang Gabi,” anang pari.

Humihiling naman sa pamahalaan si Bishop Broderick Pabillo, ang apostolic administrator ng Archdioceese of Manila, na magkaroon ng adjustment sa curfew hours na umiiral upang maisagawa ang Simbang Gabi.

Imahe mula sa San Felipe Neri Parish Mandaluyong City

“Hinihingi lang namin na gawing 3:30 a.m. ang end of curfew during those days, and no curfew on December 24 evening,” aniya.

Sa kasalukuyan, mula 10:00 pm hanggang 5:00 am ang ipiinaiiral na curfew hours sa maraming local government units, pero may rekomendasyon ang Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin itong mula 12 midnight hanggang 4:00 ng madaling araw.

Source :

Tempo, Licas

Loading…