Siyam na PhilHealth officials sinampahan na ng NBI ng patong-patong na kaso

Imahe mula sa PHilHealth
  • Siyam na PhilHealth Officials kabilang ang dating hepe nito na si Ricardo Morales, kinasuhan na ng NBI
  • Patung-patong na kaso ang isinampa laban sa mga opisyal kabilang ang malversation of public funds
  • Sinabi ni NBI NCR director Cesar Bacani na may nakitang sapat na ebidensya para kasuhan ang mga tiwaling PhilHealth officials

Sinampahan na ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation na diumano ay sangkot sa malawakang korapsyon.

ex-PhilHealth chief Ricardo Morales/Imahe mula sa PhilHealth

Kabilang sa mga kinasuhan ng corruption at malversation of public funds sina dating PhilHealth chief Ricardo Morales, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel De Jesus, dalawang Senior Vice President na sina Renato Limsiaco, Jr. at Israel Francis Pargas.

Kasama rin sa sinampahan ng kaso sina Vice President for PhilHealth Regional Office National Capital Region (NCR) Gregorio Rulloda, PhilHealth Regional Office NCR Central Branch Manager Lolita Tuliao, at iba pang mga opisyal na sina  Imelda Trinidad de Vera-Pe, Gemma Sibucao at Lailani Padua.

Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga PhilHealth officials na nabanggit ay inakusahan ng paglabag sa Sections 3(e) at 3(i) ng anti-graft law; sections 251, 255, at 272 ng National Internal Revenue Code, section 4 ng Republic Act No. 1051; at malversation of public funds or property.

Ang kaso laban sa kanila ay may kaugnayan sa kwestyonableng pagbibigay ng cash advances sa ilang health institutions sa NCR sa ilalim ng programang Interim Reimbursement Mechanism.

Imahe mula sa PhilHealth

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na marami pang kaso ang isasampa sa mga nabanggit na opisyal at sa kanilang mga kasabwat sa katiwalian.

Sinabi ni NBI NCR Director na si Cesar Bacani, may sapat na ebidensyang nakalap ang kanilang mga imbestigador para kasuhan ang mga tiwaling PhilHealth officials.

Ang mga kaso ay isinampa sa Office of the Ombudsman noong Biyernes, October 2.

Loading…