SM Bonus sugar tinanggal sa SM supermarket dahil hindi umano rehistrado sa FDA

Imahe mula sa FDA
  • Naglabas ng advisory ang FDA na hindi pa rin rehistrado sa kanila ang brown at refined SM Bonus sugar
  • Kabilang din sa listahan ang tatlo pang produkto na ibinebenta ngayon sa pamilihan
  • Dahil dito, tinanggal na muna sa SM supermarket ang mga nasabing produkto

Nagpasiya ang pamunuan ng SM supermarket na tanggalin muna sa kanilang mga estante ang SM Bonus sugar matapos lumabas ang advisory ng FDA na kabilang ito sa mga produktong hindi pa rehistrado sa kanila.

Sa isang pahayag, sinabi ng SM na ito ay bilang pagtugon umano sa FDA Advisory No. 2020-1927 na nagbigay ng babala sa publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

Imahe mula sa FDA

“We are pulling out SM Bonus Sugar products mentioned in the FDA circular advisory No. 2020-1927 until such time that our supplier is able to meet FDA registration requirements,” ayon sa pahayag ng kumpanya sa kanilang Facebook page.

Naglabas kasi ng advisory ang FDA nitong Martes, Oktubre 27 tungkol sa limang produktong ibinebenta sa pamilihan na hindi rehistrado sa ahensiya.

Screenshot mula sa Facebook-FDA

Maliban sa SM Bonus brown sugar at SM Bonus refined sugar, kabilang din sa listahan ang MELVAN Ginger Brew with Turmeric and Lemongrass, 250g; SWEET VALLEY Freeze Dried Cranberry Coated with Milk Chocolate;  at  LORENZO FARM Dark Chocolate, 55g.

“The Food and Drug Administration (FDA) warns all healthcare professionals and the general public NOT TO PURCHASE AND CONSUME the following unregistered food products,” ayon sa babala ng FDA.

Imahe mula sa FDA

Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko matapos sabihin ng FDA na ang sikat na palamang Reno Liver Spread ay hindi pa rin pala rehistrado sa kanila kahit ilang dekada na itong inihahain sa mga mesa ng pamilyang Pilipino.

Makaraan ang ilang linggo ay naayos na rin ang kalituhan matapos humingi ng paumanhin ang manufacturer ng Reno at makakuha na ng certificate of registration mula sa FDA.

Loading…