Super Tekla nagpasalamat sa mga sumuporta at pinatawad na ang mga humusga sa kanya

Imahe mula sa Facebook
  • Nagpasalamat si Super Tekla sa lahat ng mga kaibigan at fans na sumuporta sa kanya sa kontrobersyang kinaharap kaugnay ng live-in partner na si Michelle Bana-ag
  • Isa ang apo ni Mang Dolphy na si Rowell Quizon na nagpahayag ng pagsuporta kay Super Tekla
  • Ibinunyag ni Rowell ang tunay na pagkatao ni Michelle Bana-ag
  • Sinabi rin ni Rowell na nakita niya kung gaano minahal ni Super Tekla ang live-in partner

Natapos na rin ang “unos” at pagsubok na naranasan ng TV host-comedian na si Super Tekla.

Screenshot mula sa video ni Donita Nose

Kaya naman lubos ang naging pasasalamat niya sa lahat ng mga kaibigan at fans na todo suporta sa kanya sa isyung kinasangkutan kaugnay ng kanyang live-in partner na si Michelle Bana-ag.

“Salamat Panginoon Salamat Donita, mommy Rose at mga kaibigan kong hindi ako iniwanan at handang ipagtanggol ako. Salamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala hindi ko na kayo maisa-isang lahat. Pipilitin kung bumangon at magsimula,” bahagi ng pasasalamat ng komedyante.

Aniya, lumabas na ang katotohanan.

Sa kabila ng ginawa sa kanya ng partner, nanaig pa rin sa komedyante ang awa kay Michele. Umapela siya sa lahat na huwag nang husgahan si Michelle at ang pamilya nito. Aniya, mas pinili niya ang magpatawad kaysa poot ang manaig. Pinatawad na rin niya ang mga taong humusga sa kanya dahil sa mga gawa-gawang paratang na ibinato sa kanya.

Isa sa mga kaibigang nagtanggol kay Super Tekla ay ang apo ng yumaong Comedy King na si Mang Dolphy – si Rowell Quizon na anak ng dati ring aktor na si Freddie Quizon.

Sa Facebook post ni Rowell, sinabi niyang hindi na siya nakapagtimpi kaya’t naglabas na rin siya ng pahayag at ibinulgar ang maling ginagawang ni Michelle sa kabila ng kabaitan ni Super Tekla.

Imahe mula sa Facebook account ni Rowell Quizon

Si Rowell ay isang singer na nagtatanghal din sa mga comedy bars. Sa Klownz comedy bar sila nagkakasama ng TV host-comedian. Aniya, personal niyang nakita kung gaano pahalagahan at mahalin ni Super Tekla si Michelle.

Taliwas sa sinabi ni Michelle na ginugutom sila ni Super Tekla, sinabi ni Rowell na hindi nagkulang ang komedyante sa kinakasama at maging sa pamilya nito.

“Hindi nagkulang si Tekla sa ‘yo o sa inyo,” aniya.

Ang pahayag ni Rowell Quizon ayon sa latest niyang post ay inireport at tinanggal na sa FB ngunit maraming nakakuha ng screenshots nito. Aniya, “Na-report post ko ng partido ni diserba. Ok lang tapos na naman na lahat. Kahit burahin ko pa lahat ng post ko di na maalis sa isip ng tao ang lahat.”

Partner ni Tekla umatras sa hair follicle test; Tulfo binawi ang tulong

Loading…