Supermarket sa California nagladlad ng bandila ng Pilipinas sa loob nito

  • “Proudly Pinoy!”
  • Iyan ang nararamdaman ng isang netizen sa California, USA
  • May mga nakaladlad kasing watawat o bandila ng Pilipinas sa isang supermarket doon

Ipinagmalaki ng isang Pinoy netizen ang paglaladlad ng bandila ng Pilipinas sa isang supermarket sa California, USA, na talaga namang nakapagdudulot ng damdaming nasyonalismo para sa mga Pilipinong naninirahan sa naturang bansa.

Ayon sa netizen na si Sherry Jumawan De Leon, nakaka-proud nga raw sa pakiramdam bilang Pilipino na makita ang mga bandila ng Pilipinas sa grocery aisle ng isang branch ng Walmart sa Vallejo, California kung saan makikita ang mga produktong gawang-Pilipino.

Imahe mula sa Facebook account ni Sherry Jumawan De Leon / Public Domain Image

Sa totoo lamang daw, nagulat siya nang masilayan ang maraming bandila ng Pilipinas. Parang nabuhay raw ang dugong Pilipino niya. Kahit sa ganitong pagkakataon daw, nakaka-proud talagang maging Pilipino.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sana ganiyan din sa mga pampubliko at pribadong lugar sa Pilipinas. Sana hindi lamang sa mga paaralan o kaya sa mga Bulwagang Bayan o Lungsod nakikita ang ating Pambansang Watawat, sana all places… para kasing nagiging makabayan ka sa tuwing nakikita mo ang watawat. Yung tipong mahihiya kang magtapon ng basura,kung saan-saan,” turan ng isa.

Wika naman ng isa, “Kahit maliit tayong bansa napakalakas ng impact natin sa lahat ng bansa. PROUD FILIPINO!!”

“Dapat sa Pinas din bawat bahay may flag. Dito sa bansang Turkey, sobrang mahal nila ang flag nila, tanda kasi ng kanilang bayang sinilangan, kahit saan makikita mo kahit sa ibabaw ng bundok,” pagbabahagi naman ng isa.

Samantala, isa namang Pilipino na nagtatrabaho sa Walmart ang nagbigay ng kaniyang komento hinggil dito.

Imahe mula sa Facebook account ni Sherry Jumawan De Leon / Public Domain Image

“Proud worker here in WALMART. Maraming Pinoy rin na nagwowork dito, but the bad thing is may ibang Pinoy o Pinay customers na walang pansin kahit medyo alam na nga nila na kalahi nila hindi tulad ng mga Espanyol kahit hindi magkakakilala,  is they say HI…” aniya.

Ikaw, proud ka rin ba sa ating watawat ng Pilipinas? Ano ang epekto nito sa iyo kapag nakikita mo?

Source :

News 5

Loading…