Task force binuo ng IATF para sa pamamahagi ng bakuna

Imahe mula sa Jakarta Post
  • Binuo ang isang task force para sa maayos na pamamahagi ng COVID-19 vaccine ng gobyerno
  • Pangungunahan ito ng Department of Health na inatasan nang magbalangkas ng mga gagawing hakbang
  • Inamin dati ng Malakanyang na malaking hamon sa gobyerno ang pamamahagi ng bakuna sa mga mamamayan

Binuo ng pamahalaan ang isang task force para sa maayos na pamamahagi ng COVID-1 vaccine na inaasahang darating sa mga susunod na buwan.

Ang ‘COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure’ ay binuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at pangungunahan ng Department of Health (DOH) ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes.

Imahe mula sa PCOO

“The COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure will be under the National Task Force Against COVID-19 with the Department of Health (DOH) as its lead,” ayon sa tagapagsalita ng Palasyo.

Inatasan na umano ang DOH na kaaagad magsagawa ng pagpupulong upang mabalangkas ang mga hakbang na gagawin bilang paghahanda sa vaccine distribution.

“The DOH has been directed to immediately convene the Task Group COVID-19 Immunization Management and establish sub-task groups as necessary. The creation of a Task Force is to ensure the successful and efficient deployment of COVID-19 vaccines to [the] target population,” wika ng opisyal.

Screenshot mula sa PCOO video

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na naglaan na ng P2.5-B ang gobyerno para sa pagbili ng bakuna. Layon ng pamahalaan na mabakunahan ang mahigit 20 milyon sa populasyon nito nang libre at uunahin ang mga frontliners, sundalo at pulis.

Subalit malaking hamon din umano sa gobyerno ang maaayos na pamamahagi sa mga tao lalo pa’t kailangang magtayo ng storage facility upang masiguro na may maayos na imbakan ang mag bibilhing bakuna.

Sa kasalukuyan, iisa lamang ang ganitong pasilidad sa bansa at ito ay matatagpuan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

Loading…