Teenage scientist sa US posibleng natuklasan na ang panlaban sa coronavirus

Imahe mula sa weeklyvoice.com
  • Isang 14 anyos na estudyante ang nakatuklas ng imbensiyon na maaaring magamit upang labanan ang coronavirus
  • Bukod sa pagkapanalo sa 2020 3M Young Scientist Challenge, nag-uwi rin siya ng $20,000 na premyo
  • Nais niyang makipagtulungan sa mga eksperto upang magamit sa aktuwal na gamot ang kaniyang natuklasan.

Isang 14 anyos na estudyante mula sa Frisco, Texas ang nanalo ng $25,000 matapos hirangin bilang winner sa 2020 3M Young Scientist Challenge dahil sa kaniyang imbensiyon na posibleng magamit kontra coronavirus.

Si Anika Chebrolu, isang American-Indian, ay gumamit ng in-silico methodology upang makatuklas ng isang molecule na maaaring mag-bind ng spike protein ng SARS-CoV-2 virus. Ang imbensiyong ito ay malaki ang potensiyal na magbigay-daan sa pagkakadiskubre ng gamot upang makontrol ang virus na sanhi ng COVID-19.

Imahe mula sa CNN

“The last two days, I saw that there is a lot of media hype about my project since it involves the SARS-CoV-2 virus and it reflects our collective hopes to end this pandemic as I, like everyone else, wish that we go back to our normal lives soon,” ani Anika sa panayam ng CNN.

Kuwento ni Anika, hindi naman dati nakapokus ang kaniyang imbensiyon sa pagtuklas ng gamot laban sa COVID-19 at sa halip ay ginamit niya ang in-silico methods upang matuklasan ang lead compound na maaring i-bind sa protein ng influenza virus.

Maraming oras umano ang ginugol niya para pag-aralan ang mga nagdaang pandemya, virus at mga gamot na nadiskubre para labanan  ang mga ito.

Imahe mula sa CNN

“Because of the immense severity of the Covid-19 pandemic and the drastic impact it had made on the world in such a short time, I, with the help of my mentor, changed directions to target the SARS-CoV-2 virus,” ayon sa teenager.

Sa ngayon ay nais niyang makipagtulungan sa mga scientists at researchers upang magamit ang kaniyang imbensiyon sa paggawa ng aktuwal na gamot sa coronavirus.

“My effort to find a lead compound to bind to the spike protein of the SARS-CoV-2 virus this summer may appear to be a drop in the ocean, but still adds to all these efforts. How I develop this molecule further with the help of virologists and drug development specialists will determine the success of these efforts,” pahayag pa ng batang siyentipiko.

Loading…