Tekla, itinanggi ang mga akusasyon ng partner

Imahe mula sa Facebook | GMA News
  • Sinagot ni Tekla ang mga akusasyon sa kaniya ng live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag
  • Paliwanag niya, hindi totoong ginugutom niya ito
  • Dinepensahan din siya ng kaniyang manager na kinwestyon ang intensyon ni Michelle sa pagkuha ng video ng pagtatalo nila ni Tekla

Dumepensa ang komedyante na si Tekla sa mga ibinabatong akusasyon sa kaniya ng partner na si Michelle Lhor Bana-ag na dumulog kamakailan sa programa ng brodkaster na si Raffy Tulfo.

Imahe mula sa Instagram | Tekla

Sumbong ni Michelle, pinipilit ni Tekla na may mangyari sa kanila kahit pa masama ang kaniyang pakiramdam. Kapag hindi niya nabibigay ang gusto nito ay nagagalit daw ito at hindi siya binibigyan ng pagkain.

Paglilinaw naman ni Tekla, walang katotohanan ang mga paratang na ito.

“Hindi totoo ‘yan. Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako. Hindi ko magagawa ‘yan, Michelle, utang na loob. May anak akong babae, Michelle, si Aira. May kapatid akong babae,” sabi ni Tekla.

Maging ang hindi umano pagpapakain ni Tekla sa kaniyang partner ay itinanggi niya rin.

“Hindi ko kayo pinagugutuman, alam mo ‘yan. Alam n’yo yan, Shabi. alam n’yo yan, Enrico, lahat. Naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil sa pandemic,” dagdag niya pa.

Imahe mula sa YouTube | Raffy Tulfo in Action

Kinuwestyon naman ng kaniyang manager na si Rose Conde ang intensyon ni Michelle sa pagkuha ng mga video ng pagtatalo nilang mag-partner at pagsusumbong nito kay Tulfo.

“Ano ang pinagsimulan ng gulo? Gusto nang makipaghiwalay ni Michelle kay Tekla. Humihingi sila ng pang-umpisa kay Tekla. Walang maibigay si Tekla kasi wala pa po siyang pera. Wala pa po siyang income ngayon,” ani Rose.

Kung si Tekla ang tatanungin ay gusto niya raw na maayos ang kanilang pamilya ngunit nang tanungin si Michelle kung ano ang nais niyang mangyari, sinabi niyang gusto niyang makul0ng si Tekla.

Samantala, binigyan naman ng pagkakataon ni Tulfo ang mag-live in partner na pag-usapan muna ang kanilang problema bago mag-desisyon kung ano ang gagawin nila.

Source :

Facebook, YouTube

Loading…