Ten percent ng dolomite sand sa Manila Bay inanod patungong dagat – DENR

Imahe mula kay Bernadette Sembrano
  • Aabot sa 10% ang dolomite sand sa Manila Bay na inanod patungo sa dagat dahil sa malalakas na pag-ulan
  • Tinangay naman ng malalakas na alon ang mga maiitim na buhangin at natabunan ang dolomite sand sa baybayin
  • Plano ng DENR na magtambak ng dolomite sand sa karagatan upang kapag umulan ay “white sand” ang aanurin patungo sa pampang

Sa pagtataya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa sampung porsyento (10%) ng dolomite sand na itinambak sa isang bahagi ng Manila Bay ang inanod patungo sa dagat dahil sa malalakas na pag-ulan.

Screenshot mula sa GMA video

Bukod sa naanod na dolomite sand, natabunan pa ng mga itim na buhangin ang ilang bahagi ng white sand na itinambak sa lugar dahil sa lakas ng mga alon.

“May discoloration kasi ‘yong black sand niya pumapatong doon dahil sa lakas ng wave, dinadala ‘yong black sand, ‘yong regular sand, but this is a clean sand naman eh,” pahayag ni DENR Undersecretary Jonas Leonen noong Lunes, October 26.

At upang hindi na maulit na matakpan ng itim na buhangin ang puting buhangin sa Manila Bay ay planong magtambak ng dolomite sand sa dagat para ito ang tangayin ng mga alon patungo sa baybayin at hindi ang ordinaryong buhangin.

“Nakikita natin ‘yong magiging problema. Puwede laging mag-adjust. So later on, lalagyan pa rin namin dolomite ‘yon pati sa tubig na para at least pagka lumakas ‘yong wave, hindi na black sand ang dadalhin ng tubig, white sand na,” ani Usec, Leonen.

Screenshot mula sa GMA video

Ang pagtatambak ng dolomite sand sa baybayin ay bahagi ng Manila Bay rehabilitation program. Umabot sa 500 tonelada ng dinurog na dolomite ang itinambak sa lugar upang makagawa ng artipisyal na “white sand beach.”

Ang proyekto ay umani ng mga batikos mula sa iba’t ibang sektor na nagsasabing masasayang lang ang ginastos doon dahil aanurin lang sa dagat ang “white sand.”

Screenshot mula sa GMA video

 

Loading…