‘Tikbalang’ naispatan ng psychic sa larawang ibinahagi ni Kim Chiu

Image by Kim Chiu via Facebook
  • Psychic nakakita umano ng tikbalang sa larawang ipinost ng aktres na si Kim Chiu
  • Pinayuhan ng psychic si Kim na huwag nang tumambay sa kuwartong pinagkunan ng larawan
  • Mayroon pang ‘creature’ na nakita ang psychic sa iba pang larawang ipinadala ng aktres

Mayroong tikbalang malapit kay Kim Chiu na makikita sa ini-upload niyang larawan kamakailan; ito ang pahayag ng isang psychic na nagbabala sa kanya na huwag na umanong tumambay doon sa kuwartong pinagkunan ng larawan.

Image by Kim Chiu via Facebook

Tikbalang ang tawag sa elemental creature na kalahating tao at kalahating kabayo; kalimitan silang matatagpuan sa mga kabundukan at forests at inililigaw ang mga taong napupunta roon.

Pagbabahagi ni Kim, kinagabihan nang mag-post siya ng larawan sa taping nila ng pelikula ay nagpadala raw ng mensahe ang psychic ng kanyang Ate Lakam.

Anang aktres, “Sinabi noong psychic, binilugan niya, meron daw tikbalang. Sabi ko, ‘Bakit ganoon, umaga talaga, Lakam, pinakita mo sakin ‘yan ah.’ May mata, may ilong. So parang weird. May weird feeling na talaga sa kwarto na ‘yun. Akala ko sa kama. Kaya nasa chair ako. ‘Yung bintana pala. Kaya ayoko rin humarap sa bintana.”

Saad pa nito, maging siya ay hindi nakikita ang imahe ng tikbalang sa larawan yamang mga may third eye lamang umano ang nakakakita nito. “Hindi ko nakikita ‘yung sinasabi nila, but sabi nila kapag nakita mo daw ibig sabihin may third eye ka.”

Nagpadala pa umano siya ng iba pang larawan at may binilugan pa ang psychic na hindi na raw tikbalang; bagkus ay isang malaking elemento.

Image by Kim Chiu via Facebook

Maliban dito, mayroon pang creature na nakita ang mga netizens sa ilalim ng higaan na makikita sa post ng artista.

Naganap ang pangyayari sa taping ng horror movie na pinagbibidahan nina Kim, JM de Guzman at Tony Labrusca. Mapapanood ang U-Turn, October 30, sa pamamagitan ng KTX.ph, iWanTFC, Sky Cable at Cignal.

Image by Kim Chiu via Facebook

Loading…