Tsokolateng Pinoy, wagi ng 5 gold sa International Chocolate Awards 2020

Imahe mula sa Auro Chocolate
  • Pinoy chocolatier na Auro Chocolate, nagwagi ng limang gintong awards sa International Chocolate Awards 2020 – Asia Pacific Division
  • Kabilang sa awards na nakamit ang “Best in Competition” at Overall Winner”
  • Noong Setyembre ay nagwagi rin ang kumpanya ng mga parangal sa annual Great Taste Awards sa United Kingdom

Inilunsad noon lang taong 2017, marami nang internasyunal na pagkilala at parangal ang natanggap ng local chololatier na Auro Chocolate. Ang Filipino bean-to-bar chocolate company ay muli na namang humakot ng karangalan sa katatapos lang na International Chocolate Awards (ICA) – Asia Pacific Divison. Ibinahagi ng kumpanya sa Instagram page nito ang masayang balita.

Imahe mula sa Internatioal Chocolate Awards

“Breaking News! We just won 5 golds in the International Chocolate Awards 2020,” saad ng Auro Chocolate.

Kabilang sa natanggap na award ang “Best in Competition” at “Overall Winner” para sa kanilang 50% Regalo – Single Varietal – Milk Chocolate.

“Last week, we were honored and shocked to have found out that we had received Gold in the ICA – Asia Pacific this year, even more so after learning we got 5 of them! Including the Best in Competition and Overall Winner for our 50% Regalo – Single Varietal – Milk Chocolate,” ayon pa post ng Pinoy chocolatier.

Bukod sa dalawang nabanggit na awards, wagi rin ang 50% Regalo – Single Varietal – Milk Chocolate ng Gold for Plain/Origin Milk Chocolate Bars, Gold for Chocolate Maker, Gold for Growing Country at Gold for Direct Traded.

“Wow! What a true privilege it is to do what we love. It is always our goal to keep learning and improving so that we may keep pushing quality Filipino-made chocolate forward to represent on the world stage. Thank you to everyone for your continued support! Let’s do this together! Mabuhay!” post pa sa Instagram ng Auro Chocolate.

Imahe mula sa Auro Chocolate

Noong nakalipas na buwan ng Setyembre, humakot din ang kumpanya ng sari-saring parangal sa annual Great Taste Awards 2020 sa United Kingdom.

Loading…