• About Us
  • Privacy Policy
  • DMCA Policy
January 26, 2021
Definitely Filipino Balita
  • DF BALITA
  • PHILIPPINES
    • News
    • Entertainment
  • WORLD
    • News
    • Technology
    • Entertainment
News Ticker
  • [ October 2, 2013 ] US Federal Gov’t Shuts Down, Closes Tourist Destinations Too Featured
  • [ September 28, 2013 ] Miss Philippines Megan Young, Wins Miss World Edtior's Picks
  • [ September 27, 2013 ] Megan Young: An Inch Away From Disqualification? Entertainment
  • [ September 25, 2013 ] The Philippines is the First Asian Country to Export Bananas to the USA Edtior's Picks
  • [ September 24, 2013 ] Pope Francis Calls to Stop Obsession with Gays, Abortion, Birth Control; PH Church Reacts Featured
  • [ September 21, 2013 ] A Bill That Protects Children Born Out of Wedlock News
  • [ September 21, 2013 ] Volunteer and Earn US$18,000 in 70 Days at NASA (There’s a Catch) Featured
  • [ January 26, 2021 ] Pakiusap ng mag-aaral sa kaniyang guro na ‘lakihan’ ang natamong grado sa asignatura kinaaliwan SOCIAL NEWS
  • [ January 26, 2021 ] Lalaking nakamotor na may angkas na pink bike kinalugdan SOCIAL NEWS
  • [ January 26, 2021 ] Kabayang Noli De Castro nalulungkot kapag naglalakad sa ABS-CBN hallway Philippine Showbiz & Sports
  • [ January 26, 2021 ] Pinal na ang pasya ni Pres. Duterte na hindi isapubliko ang pagpapabakuna niya kontra COVID-19 News
  • [ January 26, 2021 ] Mahigit apat na milyon ang nakalos sa populasyon ng mga baboy sa bansa dahil sa ASF News

‘Unauthorized post’ sa Twitter account ng House of Representatives iniimbestigahan na

October 13, 2020 Ronaldo Magallanes Politics & Government, SOCIAL NEWS

Imahe mula sa Twitter
  • Biglang lumitaw ang isang ‘unauthorized post’ sa Twitter account ng HoR nitong Lunes
  • Larawan ito ng isang batang babae na may caption ng kaniyang birthday countdown
  • Iniimbestigahan na umano ang pangyayari, ayon sa HoR Twitter handle

Habang nagkakagulo ang mga kongresista sa Kamara nitong Lunes, nag-trending naman sa Twitter ang official account ng House of Representatives dahil sa walang kaugnayang post na bigla na lang lumitaw doon.

Dakong alas-6 ng hapon noong Lunes, habang nasa kasagsagan ang girian para sa speakership nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ay lumabas ang larawan ng isang batang babae na may caption para sa countdown ng kaniyang kaarawan.

Imahe mula sa Twitter

“Almost my bday!!” ayon sa caption na may nakasulat pang “6 Hours until my Birthday” sa larawan.

Kaagad namang na-delete ang nasabing post subalit hindi pa malaman kung sino ang nasa likod nito. At gaya ng inaasahan, mabilis na nakakuha ng screenshot ang mga nagulat na netizens upang gawing ‘resibo’.

Screenshot mula sa Twitter

Napilitan naman na maglabas ng pahayag ang Twitter account ng HoR makaraan ang ilang oras dahil sa pangyayari.

“An unauthorized post was made on the House Twitter account earlier today. The post was deleted immediately and the House social media admins are now investigating the incident,” anang Twiiter post ng HoR dakong alas-diyes ng gabi.

Ayon pa sa sumunod na post, ginawan na ng kaukulang aksiyon ang nasabing ‘unathorized tweet’.

Imahe mula sa Twitter

“Appropriate measures were put in place to ensure the security of the account,” dagdag pa ng Twitter handle.

Gayunpaman, dismayado ang ilang netizens sa nangyari. Anila, hindi nila maunawaan na isang bata lamang pala ang may hawak ng official Twitter account ng HoR.

“The idea that a kid is running the social media account of the Philippine House of Representatives,” ayon sa isang commenter.

Screenshot mula sa Twitter ng HoR

“Haven’t you made a joke of yourselves with APC and Lord in your ranks?” dagdag naman ng isang Twitter user.

Ang iba naman ay idinaan na lang sa biro ang nangyaring ‘sablay’ at pinaulanan ng pagbating ‘Happy Birthday’ ang mga post ng HoR Twitter.

Source :

Twitter, Inquirer, InterAksyon

Loading…

Previous

PCOO nakuwestiyon dahil sa malaking bahagi ng budget na napunta sa sahod sa halip na equipment

Next

Ilang establisimiyento iimbestigahan ng NPC; contact tracing data ginamit umano sa ibang layunin

Latest

  • Pakiusap ng mag-aaral sa kaniyang guro na ‘lakihan’ ang natamong grado sa asignatura kinaaliwan

    January 26, 2021
    Naaliw ang mga netizens sa pag-uusap ng isang mag-aaral at guro Nakikiusap ang mag-aaral na lakihan pa ang nakuha niyang “75” sa isang asignatura Sinunod naman ito ng guro na talagang “witty” at masasabing literal [...]






Latest

  • Lalaking nakamotor na may angkas na pink bike kinalugdan

    January 26, 2021
  • Kabayang Noli De Castro nalulungkot kapag naglalakad sa ABS-CBN hallway

    January 26, 2021
  • Pinal na ang pasya ni Pres. Duterte na hindi isapubliko ang pagpapabakuna niya kontra COVID-19

    January 26, 2021
  • Mahigit apat na milyon ang nakalos sa populasyon ng mga baboy sa bansa dahil sa ASF

    January 26, 2021
  • Ina hinahanap ang walong ipinaampong anak na iba-ibang lahi ang mga ama

    January 26, 2021





We cover top-of-news, opinion pieces from guests, and scour the internet and social media for trending topics that may interest the wide demographics we serve. This includes social news items that may not necessarily have been given attention and have "fallen through the cracks" at traditional sites. [Read More...]
  • About Us
  • Privacy Policy
  • DMCA Policy

© Copyright 2018-2022 Definitely Filipino. All rights reserved