Undas Online website ng CBCP aktibong muli para tumanggap ng prayer requests

Imahe mula sa Undas Online
  • Undas Online website ng CBCP muling tatanggap ng online prayer requests mula sa publiko
  • Ila-livestream sa website ang mga misa, magkakaroon ng audio at video reflections, at katekesis
  • Hinikayat ni Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na magsimba at dumalo sa misa sa November 1 at 2, 2020

Muling binuhay ng media office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang “Undas Online” website upang simulang muli ang pagtanggap ng virtual prayer requests mula sa publliko dahil sarado ang lahat ng mga sementeryo sa buong bansa sa araw ng Undas sanhi ng umiiral na pandemya.

Imahe mula sa Undas Online

Ayon sa CBCP, ni-revive ang virtual Undas upang ang mga mananampalataya ay makapagpadala ng online prayer requests para sa kanilang mga yumaong kaanak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Msgr. Pedro Quitorio, ang director ng CBCP media office, magdadagdag pa sila ng ilang features sa Undas Online website para bigyan ng virtual experience ang faithful habang sumusunod sa pandemic safety protocols.

Kabilang sa mga ito ang livestreaming ng online masses, audio at video reflections, at katekesis.

“There will be live online Masses that will be streamed from different places. One can even light a candle online while praying for their dear departed,” ani Msgr. Pedro Quitorio.

Ang Undas Online, na ngayon ay nasa ika-siyam na taon na, ay unang ginawa para talaga sa mga Filipino seafarers at overseas workers na nais makilahok sa pagdiriwang ng Undas.

Hinikayat naman ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillio ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang Undas sa pamamagitan ng pagtungo sa simbahan at dumalo sa mga misa

Imahe mula sa Undas Online

“On November 1 and 2, all are encouraged to go to Church and offer mass for our beloved de*d. The Holy Eucharist is the best prayer that we can offer,” ani Bishop Pabillo.

Idineklara ng Malacañang na ang lahat ng mga pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks kasama na ang mga columbarium ay isasara sa mga bisita mula October 29 hanggang November 4, 2020.

Loading…