Underwater cross project ng Lapu-Lapu City target makasungkit ng Guinness World Record

Imahe mula kay Mayor Junard Chan
  • Lapu-Lapu City gumagawa ng higanteng underwater cross
  • Target ng siyudad na masungkit ang Guinness World Record bilang pinakamalaking krus sa ilalim ng karagatan
  • Ang ginagawang underwater cross ay may habang 100 meters

Isang bagong atraksyon ang kasalukuyang ginagawa sa ilalim ng karagatan ng Lapu- Lapu City sa Barangay Tingo sa Olango Island  – ang 100-meter underwater cross na sinimulang gawin noong nakaraang linggo.

Imahe mula kay Mayor Junard Chan

Ayon sa alkalde ng lungsod na si Mayor Junard “Ahong” Chan, target nilang ma-break ang umiiral na world record sa Guinness sa pinakamalaking underwater cross sa buong mundo. Aniya, sa kasalukuyan ay 70 meters long ang largest underwater cross. Hindi niya nabanggit kung saan iyon matatagpuan.

“This will be another dive attraction in the city and we will submit this to the Guinness Book of World Records as the biggest underwater cross in the world,” ani Mayor Chan.

Gawa sa mga corals ang underwater cross sa layuning pamahayan iyon ng mga isda at iba pang sea creatures. Mga basag na corals na natagpuan sa ilalim ng dagat ang kanilang muling itinanim para sa proyekto. Tiniyak ng alkalde na walang corals na sinira para sa konstruksyon ng higanteng krus sa ilalim ng karagatan.

Inaasahan ng alkalde na makumpleto ang proyekto sa susunod na taon kasabay ng gagawing selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa at sa paggunita sa Battle of Mactan.

Imahe mula kay Mayor Junard Chan

Ang underwater cross ay isa rin umanong palatandaan ng kanilang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos na nagbigay ng proteksyon sa mga mamamayan sa panahon ng pandemya.

Malaking karangalan din daw ang dadalhin nito dahil makikilala ang Lapu-Lapu City sa buong mundo. Makatutulong din umano ito upang mabighani ang mas marami pang foreign tourists lalo na’t tanyag ang siyudad bilang isa sa mga “the best diving sites in Asia.”

Imahe mula kay Mayor Junard Chan
Source :

Facebook, CDN

Loading…