UP expert nag-aalala sa planong pagluluwag sa quarantine age restrictions para sa mga matatanda

Imahe mula sa Daily Tribune
  • May agam-agam ang UP expert na si Dr. Guido David sa panukalang luwagan ang quarantine age restrictions
  • Sa kasalukuyan, ang pinapayagang makalabas ng kanilang mga tahanan ay ang mga nasa 21 to 60 age bracket
  • Ang pinaplano ng gobyerno ay payagan nang makalabas ang nasa 18 to 65 age bracket

Nagpahayag ng agam-agam si Dr. Guido David ng University of the Philippines (UP) OCTA Research group sa pagluluwag sa quarantine age restrictions na plano ng pamahalaan kung saan papayagan nang makalabas ang mga taong nasa edad 18 hanggang 65.

Imahe mula sa SCMP

Matatandaang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nasabing plano.

BASAHIN: Mga residenteng nasa 18-65 age bracket posibleng payagan nang makalabas ng bahay

“What was approved was ‘yung gradual expansion of the age group allowed to go out. I think mabababa ‘yung edad ng kabataan at matataas ‘yung edad ng mga seniors. I think I’m almost sure that 65 will be the age for seniors, hindi lang ako sigurado at what age it will be  for the young people,” aniya.

Sabi ni Dr. Guido, mataas ang posibilidad na masawi sa COVDI-19 ang mga matatanda kaysa sa mga bata.

“Medyo concerning din yan. Kasi ‘yung 65 and up, ang case fatality rate (CFR) niyan is nasa mga 15 percent pataas. So, mataas ‘yung percentage ng mga nasasawi sa ganyang age group,” ayon sa UP expert sa isang panayam.

“’Yung mga 55 to 64, nasa mga seven percent, minsan mas mataas pa. So, mataas din ‘yung CFR sa 55 to 64 age group,”sabi pa niya.

Imahe mula sa CNN PH

Wala namang nakikitang masama si Dr. David kung payagang makalabas ng bahay ang mga mas nakababata. Aniya, 1.5 percent lang ang CFR ng mga nasa edad 0 to 54.

“So wala naman tayo problema kung medyo lumalabas ‘yung mga mas bata kasi hindi naman mataas yung CFR,” anang UP expert.

Imahe mula sa Foreign Policy

Loading…