US Pres. Donald Trump may ‘mild symptoms’ matapos magpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa CNBC
  • Nagpakita umano ng ‘mild symptoms’ ng COVID-19 si US Pres. Donald Trump
  • Magugunitang nag-tweet si Trump na nagpositibo sila ni FL sa coronavirus noong Huwebes
  • Nailipat na sa isang pagamutan si Trump kung saan ito naka-quarantine

Nagpapakita umano ng mild symptoms si United States President Donald Trump matapos magpositibo sa coronavirus noong Huwebes.

Ayon sa chief of staff ni Trump na si Mark Meadows noong Biyernes, nakararanas ng sintomas ang Pangulo ng Estados Unidos tulad ng lagnat at congestion. Sa kabila nito, nananatiling nasa ‘high spirits’ at ‘very energetic’ umano ang lider ng White House.

Imahe mula sa The Indian Express

“The American people can rest assured that we have a president that is not only on the job, will remain on the job, and I’m optimistic that he’ll have a very quick and speedy recovery,” ayon sa pahayag ni Meadows.

Noong Huwebes, ibinahagi ni Trump sa kaniyang Twitter account na nagpositibo siya at ang kaniyang maybahay na si First Lady Melania Trump sa COVID-19.

“Tonight, @FLOTUS and I tested positive for COVID-19. We will begin our quarantine and recovery process immediately. We will get through this TOGETHER!” anang tweet ng Pangulo na isa na ngayon sa kaniyang ‘most liked’ tweet sa micro-blogging platform.

Una nang nagpositibo sa virus ang isa sa pinakamalapit na adviser ng 74 anyos na US president na si Hope Hicks. Si Hicks ay nakasama ni Trump sa New Jersey para sa isang fundraising event at dito hinihinalang nahawaan ang Pangulo.

Screenshot mula sa Twitter

Bagama’t nagpositibo si FL Melania Trump, negatibo naman umano ang resulta ng kanilang 14 anyos na anak na si Barron.

Nagnegatibo rin sa COVID sina Vice President Mike Pence, Treasury Secretary Steven Mnuchin, Secretary of State Mike Pompeo at Supreme Court nominee Amy Coney Barrett.

Samantala, nailipat na umano si Trump sa Walter Reed National Military Medical Center kung saan ito naka-quarantine.

Loading…