Useless ang pagiging priority recipient ng Chinese vaccine kung walang cold storage ang ‘Pinas – Envoy

Imahe mula sa Xinhua
  • Isa ang Pilipinas sa priority recipients ng Chinese vaccine para sa COVID-19
  • Sinabi ng mga Chinese pharmaceutical firms na dapat handa ang ating bansa sa pagdating ng mga bakuna
  • Mababalewala ang lahat kung walang sapat na cold storage facilities ang bansa

Dapat maging handa ang Pilipinas sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine sakaling maging available na ito. Ito umano ng mensahe ng mga Chinese pharmaceutical firms na nagde-develop ng vaccine sa ating bansa na isa sa bibigyan ng prayoridad sa distribusyon ng bakuna.

Imahe mula sa PCOO

Sa Palace briefing noong Huwebes, October 22, sinabi ni Philippine Ambassador to China na si Jose Santiago Sta. Romana na magiging malaking hamon ang distribusyon ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, na isa sa mga priority recipients nito.

Sinabi umano ng mga Chinese pharmaceutical firms na dapat handa ang ating bansa sa pagdating ng mga bakuna.

Ang mensahe ay hindi isang kondisyon para mabigyan ng vaccine kundi isang paalala na mahalagang may sapat na cold storage facilities ang Pilipinas na pag-iimbakan ng mga ito. Mababalewala lang ang lahat kung walang cold storage.

“It’s not a condition. It’s just a reminder that if you get the vaccine and you don’t have cold chain storage, then it’s useless,” wika ni Ambassador Sta. Romana.

“We have to get ready for the distribution and deployment of the vaccine. That is why these Chinese pharmaceutical companies have been telling us that what is required really is the cold chain storage facilities around the country or certain strategic areas around the country because the vaccine have to be handled very well before they can be deployed,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa E-Control Systems

Mawawala raw kasi ang bisa ng bakuna kapag na-expose sa hindi akmang temperature.

“The vaccines have to be handled very well before they can be deployed. If unprotected from tropical weather, vaccines could lose efficacy,” paliwanag ng envoy.

Apat na vaccines ang kasalukuyang idinadaan sa clinical trials sa China at ang isa roon ay matatapos na sa Phase 3 ng trial.

Ani Sta. Romana, sa oras na maging matagumpay ang trial sa vaccine, inaasahan na sisimulan ang mass production niyon sa November o December ngayong taon.

Imahe mula sa Nikkei Asian Review
Source :

GMA Network, PNA

Loading…