Binata nakalaya na sa matagal na pagkakaratay sa higaan

Screenshot mula sa KMJS
  • Limang taong naratay sa kanyang higaan ang binatang si Junmark
  • Sa tulong ng KMJS ay napasuri kung ano ang kalagayan niya
  • Naipagamot at nagbago ang kaniyang buhay sa tulong ng maraming nakiramay sakanila

Makalipas ang mahabang panahon ng pagkakaratay ay malaya na ngayon ang isang binata mula sa kanyang higaan na tila naging kulungan niya sa loob ng limang taon.

Screenshot mula sa KMJS

Ang kuwento ni Junmark ay unang naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Marso matapos i-tag ng mga netizens ang programa sa social media post tungkol sa kanya.

Hindi na makabangon si Junmark mula sa kinahihigaan dahil ang mga sugat niya sa paa ay dumikit na sa kama. Kahit kaunting galaw ay masakit para sa kanya.

“Parang hayop na rin ako, pinapakain na lang. Hindi nakakapagtrabaho. Buti pa ang baboy nakakalakad sa kulungan, ang mga paa niya kayang magalaw. Ako, parang ‘yung ni hindi na makatayo,” sabi niya.

Sa kabila ng kalagayan, hindi nawawalan ng pag-asa ang binata na isang araw ay gagaling siya.

“Gusto ko po ay mabuhay nang matagal. Panalangin ko, sana po may himala na dumating. Paggising ko, wala na ‘tong mga sugat ko. Hinihiling ko lang po sa Diyos na pagalingin Niya na ako dahil marami pa akong kailangan pang gawin sa mundo,” ani Junmark.

Screenshot mula sa KMJS

Sa tulong ng KMJS ay napasuri ang kalagayan niya. Napag-alaman na mayroon siyang ketong at kinailangang putulin ang kanyang mga paa.

Makalipas ang walong buwan ay kinumusta ng KMJS si Junmark.

Marami na ang nabago sa buhay ng binata. Dahil sa mga pinansyal na tulong na natanggap ay nakapagpatayo ng maayos na bahay ang ama niya. Mayroon na rin silang maliit na karinderya at napaayos din ang kulungan ng mga alagang baboy.

Ipinagpapatuloy na rin niya ang pag-aaral. Pangarap raw niyang maging guro balang araw. Kahit wala nang mga paa, hindi raw siya magpapatalo sa kapansanan para maabot ang kanyang pangarap. Lalo pa siyang na-inspire sa pagdalaw ng kanyang paboritong guro.

Panoorin ang  kuwento ni Junmark sa KMJS:

Loading…