Vina Morales tinangkang habulin ang humablot ng cellphone niya sa EDSA

Imahe mula sa Instagram | Vina Morales
  • Nahablutan ng cellphone ang singer na si Vina Morales habang ginagamit niya ito sa kahabaan ng EDSA
  • Sinubukan ni Vina na habulin ang suspek ngunit hindi na niya ito naabutan
  • Bagama’t may CCTV sa gasolinahan malapit doon ay hindi na siya nag-file ng report bilang pag-iingat na rin sa COVID-19

Si Vina Morales mismo ang nagtangkang humabol sa humablot sa kaniyang cellphone habang ginagamit niya ito sa kahabaan ng EDSA.

Imahe mula sa Instagram | Vina Morales

“Ngayon ko lang po naranasan ito. May nag-snatch ng phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po. Naiwan ko pong bukas ang window habang nasa EDSA,” kuwento ni Vina.

Sinubukan niya raw na habulin ang salarin at may nakausap siyang kilala ito. “Reaction ko po ay hinabol ko. Meron po akong nakita na tao, sabi may alam po siya. Biglang may mga pulis na dumating at tinangay ‘yong tao. Nakausap ko po si Lt. Alvin Bagay at pinapupunta po ako ng presint0 para mag-report,” dagdag pa ni Vina.

May gasoline station din malapit sa pinangyarihan nito kaya may CCTV footage daw ngunit minabuti ng singer na huwag nang pumunta sa presint0 upang mag-report dahil nais niyang mag-ingat sa COVID-19.

“Telepono lang naman ‘yon pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganoong tao?” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Vina Morales

Agad namang kinumusta ng kaniyang mga kaibigan sa industriya si Vina. “Girl, are you okay?” tanong ni Pops Fernandez. “Be careful,” paalala ni Candy Pangilinan.

“Huuuuugsss, BFF. Thank God wala nangyari sa’yo,” sabi naman ni Erik Santos.

Ibinahagi naman  ng aktres na si Phoebe Walker ang kaniyang karanasan. “Ate @vina_morales same thing happened to me along C5 naman, pero buti I gripped it tighter agad. Better to close all windows po especially if traffic,” aniya.

Nagpasalamat naman si Vina sa mga tumulong at nag-alala para sa kaniya. “Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin. Itong message ko, just letting you know na mag-ingat po tayo. Bahala na lang ang Diyos sa kaniya.”

Source :

Instagram

Loading…