Viy Cortez kay Cong TV: Pinatayo n’ya ko sa sarili kong paa

Imahe mula sa Instagram | Viy Cortez
  • Nagpapasalamat si Viy Cortez sa kapwa vlogger at nobyong si Cong TV dahil sa suporta nito sa kaniyang pangarap
  • Ani Viy, galing kay Cong ang puhunan sa kaniyang business
  • Tinulungan daw siya ni Cong na tumayo sa sariling paa

Malaki ang pasasalamat ng vlogger at businesswoman na si Viy Cortez sa kaniyang boyfriend na si Cong TV dahil sa suporta nito noong nagsisimula pa lamang siyang abutin ang kaniyang mga pangarap.

Imahe mula sa Instagram | Viy Cortez

Kuwento ni Viy sa Kapus0 Mo, Jessica Soho, nagbebenta siya noon ng sasakyan nang sabihan siya ng nobyong si Cong na subukan na rin ang vlogging. “Isang beses, sabi sa akin ni Cong, ‘Viy, tumigil ka na sa pagtatrabaho. Kung gusto mong mag-vlog, tutulungan kita. Hindi kita pabababayaan,'” pagbabahagi niya.

Ginawa naman ito ni Viy. Ngunit noon pa man ay malinaw na sa kaniya ang daan na gusto niyang tahakan — ang business. Nanghiram siya kay Cong ng P10,000 upang gawing puhunan.

“Grabe ‘yong pasasalamat ko kay Cong. Hindi lang emotional support ‘yong binigay niya e. Binigyan niya ako ng career, pinahiram niya ako ng puhunan,” sabi ni Viy. Sa edad na 24 ay mayroon na siya ngayong make up line at milk tea shop.

Imahe mula sa Instagram | Viy Cortez

Masaya raw si Viy na nakapagbibigay siya ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan.

“Simula noong nagbi-business ako, isa sa achievements ko is ‘yong ang daming nagme-message na, ‘Ate, 14 years old lang ako. Nag-start na akong mag-business dahil sa iyo,’” sabi ni Viy sa isang panayam sa PEP.

Ang lahat ng mga ito ay ipinagpapasalamat niya raw kay Cong dahil tinuruan siya nitong tumayo sa sariling paa. “Kung tutuusin ‘di ba puwedeng umasa na lang ako sa kaniya? Pero pinatayo niya ako sa sarili kong paa. Natutuhan ko na dapat kahit kami, dapat meron pa rin kaming mga sariling buhay,” dagdag ng vlogger.

“Alam mo ‘yong naghihilahan lang kami pataas? Tandaan n’yo, posible lahat. Magsipag ka lang. Makukuha mo rin ang pinapangarap mo.”

Source :

Facebook, Pep

Loading…