Vlog editor sa surpresang iPhone ni Ivana: Ngayon ko lang naranasan ‘to

Imahe mula sa YouTube | Ivana Alawi
  • Nakatanggap ng iPhone mula kay Ivana Alawi ang kaniyang video editor
  • Ngunit bago ito ay pinrank muna ni Ivana si Jeff Ibera na nagdiwang ng kaniyang kaarawan kamakailan
  • Ani Jeff, unang beses niyang nakaranas ng ganoong surpresa kaya labis ang kaniyang saya

Bilang pasasalamat sa kaniyang kasipagan ay sinurpresa ng aktres at YouTuber na si Ivana Alawi ang kaniyang video editor na si Jeff Ibera na nagdiwang kamakailan ng kaniyang kaarawan.

Imahe mula sa YouTube | Ivana Alawi

Kuwento ni Ivana, pinili ni Jeff na patuloy na magtrabaho sa kaniyang kaarawan dahil hindi niya naman daw ito pinagdiriwang. Dahil hindi na iba sa kanilang pamilya ay nagdesisyon si Ivana na i-prank ito.

“Lagi kong sinasabi na kapag naging empleyado kita or naging tao kita, if you work for me, it’s not work because we are a family. Para sa akin, hindi kita tao, hindi kita editor. Para sa akin, pamilya na kita,” sabi niya sa isang vlog na pinamagatang “Being Mean to My Editor Prank + Surprise.”

Isang taon na raw na nagtatrabaho si Jeff bilang kaniyang editor at wala raw siyang masabi sa work ethic nito.

Noong una ay nag-alala siya na baka mahirapan ang kaniyang editor sa pagiging hands-on niya ngunit tila nagkasundo raw sila sa mga nais niyang palabasin sa kaniyang vlog. Napansin niya rin na hindi lang basta trabaho ang tingin ni Jeff sa pag-edit ng kaniyang vlogs dahil gusto raw nitong laging maganda ang kanilang output.

Imahe mula sa YouTube | Ivana Alawi

“Sobrang saya ko kay Jeff,” ani Ivana. “Noong na-meet ko siya, nakita ko kung gaano siya ka-hardworking at isa siyang napakabait na tao inside and out and ‘yon ‘yong nagustuhan namin sa kaniya.”

Para sa kaniyang prank ay naisip ni Ivana na sungitan si Jeff. Nagpanggap siya na hindi nagugustuhan ang shots nito hanggang sa tuluyan siyang mag-walk out.

Maya-maya ay bumalik siyang may dala nang cake at regalo para kay Jeff.

Hindi naman napigilan ni Jeff ang kaniyang luha dahil sa tuwa. “Ngayon ko lang po naranasan ito. Thank you po,” sabi niya. Natuwa rin siya sa regalong iPhone ni Ivana dahil madalas daw ay second hand lamang ang kaniyang binibili.

Marami naman ang natuwa sa kabutihan ni Ivana sa kaniyang editor. “Kahit mataray kumilos o magsalita si Ate Ivana, hindi pa rin maitatago ang kabutihan ng pus0 niya,” sabi ni S. Georfo.

“This made me cry because I also don’t feel like celebrating my birthday. Imagine getting a surprise like this from other people,” sabi naman ni G. Bico.

Panoorin ang vlog ni Ivana:

Source :

YouTube

Loading…