VP Leni Robredo, staff nagnegatibo sa COVID-19

Screenshot mula sa Facebook video ni VP Leni Robredo
  • Nagnegatibo sa COVID-19 si Vice President Leni Robredo, ito ang inanunsiyo niya nitong Miyerkules
  • Negatibo rin umano sa virus lahat ng kaniyang staff na sumailalim sa swab test matapos ma-expose sa COVID positive na pasyente noong nakaraang linggo
  • Sumailalim sa slef-quarantine ang Pangalawang Pangulo simula pa noong Biyernes

Nagnegatibo sa coronavirus si Vice President Leni Robredo at lahat ng staff ng Office of the Vice President (OVP); ito ang kinumpirma ng Pangalawang Pangulo nitong Miyerkules.

Magugunitang sumailalim sa self-quarantine si Robredo sampu ng kaniyang staff matapos ma-expose sa COVID-positive na pasyente noong nakaraang linggo. Kaagad naman niya itong inanunsiyo sa publiko noong Linggo.

Imahe mula sa Facebook ni VP Leni Robredo

Nagpaswab na umano siya at ang kaniyang staff at hinihintay na lamang ang resulta.

Malaki ang naging pasasalamat ng Bise Presidente matapos lumabas sa test results na negatibo siya at ang kaniyang staff sa virus.

“All of the OVP staff who were exposed last week tested negative. Thank God. All the activities today and the succeeding days will proceed as scheduled,” ani RObredo sa kaniyang social media account.

Screenshot mula sa Twitter

Sa kaniyang radio program, sinabi ni Robredo na kailangan niyang kanselahin ang nakatakdang pagbisita sana sa Caloocan at Lucena City ngayong linggo dahil nga sa posibleng exposure nila sa coronavirus.

Ganunpaman, tiniyak ng Bise President na tuloy pa rin ang kaniyang mga gawain online kahit naka-self quarantine siya simula pa noong Biyernes.

Naglabas naman ng maikling pahayag ang Malakanyang para sa kaniyang maagang paggaling.

Loading…