VP Leni sa gov’t offices, private companies: Gamitin ang budget sa Christmas parties para itulong sa mahihirap

Imahe mula sa Facebook account ni VP Leni Robredo
  • Hinihimok ni VP Robredo ang mga government offices at private companies na ipagpaliban ang Christmas parties ngayong taon
  • Gamitin na lang umano ang pondo sa parties na pantulong sa mga mahihirap
  • Sinabi ni VP Robredo na sa halip na magpalitan ng mga regalo, ang mga tunay na nangangailangan na lang ang regaluhan

Habang nalalapit na ang Kapaskuhan sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic, hinihimok ni Vice President Leni Robredo ang mga government offices at mga pribadong kumpanya na ipagpaliban na lang muna ang pagsasagawa ng Christmas party ngayong taon.

Imahe mula sa OVP

Sa halip daw na gumastos sa party at sa pagpapalitan ng mga regalo, iminungkahi niya na regaluhan na lang ang mga tunay na nangangailangan.

“Wala muna kasi sayang lang sa gastos. Saka wala muna iyong — huwag na muna sigurong magregaluhan. Parang instead na magregaluhan, ang regaluhan na lang iyong mga kailangan talagang regaluhan na mga mahihirap. Sana doon muna,” ani VP Robredo sa kanyang radio program tuwing araw ng Linggo na “BISErbisyong Leni.”

Aniya, maging sa Office of the Vice President ay may mga activities na maaari naman daw makapaghintay hanggang sa susunod na taon ay ipagpapaliban na lang muna.

“Kami din sa office, marami din kaming pinagpaliban muna. Iyong makakahintay pa next year na mga activities, next year na lang, para iyong lahat na mase-save namin ngayon, papunta lahat talaga sa direct na tulong sa mga tao,” ani VP Robredo.

Imahe mula sa BISErbisyong Leni

Kaugnay ng pagpapaliban sa Christmas party, nauna nang nagpahayag ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng lahat ng mga alkalde sa buoong Metro Manila na handa silang sundin ang ehemplo ng Quezon City na nagkansela ng taunang pagtitipon tuwing Pasko.

Sabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng MMC, na pondo para sa mga kasiyahan ay gagamitin na lang bilang pandagdag sa pagtulong sa mga residente na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

 

Source :

Inquirer, Remate

Loading…