Walang idedeklarang class suspensions sa public schools sa Pasig City – Mayor Vico Sotto

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto
  • Pasig City hindi magdedeklara ng class suspensions sa mga public schools sa siyudad
  • Katwiran ni Mayor Vico Sotto ay hindi naman lalabas ng bahay ang mga mag-aaral
  • Kahit walang internet connection ay maaari pa ring mag-aral ang mga estudyante dahil sa worksheets at pre-loaded na tablet

Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na walang class suspensions na idedeklara sa mga pampublikong paaralan sa kanilang siyudad habang nasa distance/blended learning ang mga mag-aaral.

Imahe mula sa DepEd Tambayan

Sa isang post sa Twitter, sinabi ng alkalde na hindi na kailangan ang class suspensions dahil nasa kanilang mga tahanan naman ang mga estudyante.

“While we are in blended/distance learning, there is NO Suspension of Classes for public schools. Dahil hindi naman lalabas ng bahay ang mga mag-aaral at di rin strict sa online attendance,” tweet ni Mayor Vico.

Sa kanyang Twitter post, hinihayat rin niya ang mga private schools na gumawa ng sariling polisiya tungkol sa suspensyon ng klase batay sa kanilang sistema.

“I urge private schools to come up with their own policies, based on their current system,” aniya.

Isang estudyante ang nagtanong sa alkalde kung applicable pa rin ang “no class suspension” rule kahit bumabagal ang internet dahil sa weather condition.

“Paano po kapag bumabagal talaga yung internet due to the current weather po?” tanong ng mag-aaral kay Mayor Vico.

Screenshot ng tweet ni Mayor Vico Sotto

Sinagot ito ng alkalde at sinabing kahit walang internet connection ay maipagpapatuloy pa rin ng estudyanteng residente ng Pasig ang pag-aaral ng leksyon.

“Sa public school ng Pasig may worksheets o kung tablet na ang gamit, preloaded. Hindi kailangan ng live internet connection,” tugon niya sa katanungan.

May isa namang nagsabi na required silang umattend ng online class ngunit may sagot din dito ang alkalde.

“Hindi po magiging strict ang attendance kung mahina ang internet connection. Hindi ko po inimbento ‘yan. Galing sa DepEd division natin, inuulit ko lang,” aniya.

Matatandaang namahagi ang Pasig City ng mga laptop at tablets sa mga estudyante sa elementarya, junior at senior high school, at sa mga guro sa public schools upang matulungan ang mga ito sa distance learning na ipinatutupad ng Department of Education dahil ipinagbabawal ang face-to-face classes sanhi ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Pasig News Update
Source :

Twitter, ABS-CBN

Loading…