Walkie-talkie gamit ng guro at mga estudyante sa distance learning sa Catanduanes

Screenshot mula sa video ni Sherwyne Manlangit
  • Isang guro sa Catanduanes ang nakaisip na gumamit ng walkie talkie para sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante
  • Miyembro ng isang amateur radio broadcasting group ang guro kaya nagamit niya ang kaalaman sa handheld two-way radio
  • Nagpasalamat ang mga magulang sa proyekto ng guro na tinawag na Radyo Eduko o Radyo Edukasyon Ko dahil naging mas madali ang komunikasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral

Isang guro mula sa Cagraray Elementary School sa Catanduanes ang nakaisip na gumamit ng handheld two-way radio o walkie talkie para sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante.

Screenshot mula sa video ni Sherwyne Manlangit

Tinawag si teacher Sherwyne Manlangit, na miyembro ng isang amateur radio broadcasting group, ang kanyang proyekto na “Radyo Eduko” o Radyo Edukasyon Ko. Dahil bawal ang face-to-face classes ay naisipan niya na gumamit ng walkie talkie.

“Naisipan ko po ang programang ito, ang Radyo Eduko…’yung Radyo Edukasyon Ko, gawa ng pandemic na ito,” aniya.

Malaking tulong ang walkie talkie sa mga magulang ng mga estudyante. Halos ninety percent ng mga residente sa kanilang lugar ay walang kakayahan na bumili ng cellphone. Ito ang dahilan kaya mas pinili ng magulang para sa mga anak ang learning module bilang paraan ng pag-aaral.

“Almost 90 percent of the parents opted to choose modular instruction as their preferred learning modality, for the reasons that they don’t have access to online learning,” ani Miguelito Rodriguez, Public School District Supervisor.

Hindi katulad ng cellphone, ang two-way radio ay hindi na kailangan ng load, kailangan lang itong i-recharge dahil de-baterya ang mga ito.

Screenshot mula sa video ni Sherwyne Manlangit

Sabi ni teacher Sherwyne, marami ang nag-donate ng walkie talkie sa kanilang paaralan na ipinamahagi naman sa mga estudyante. Naging mas maganda raw ang komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral mula nang gumamit sila nito.

“Namo-monitor namin ‘yung aming mga mag-aaral na kung meron silang hindi nauunawaan sa kanilang aralin ay kaagad-agad silang nakakapag-tanong at kaagad-agad naman kaming nakakapagbahagi ng ideya,” aniya.

Nagpasalamat ang mga magulang sa proyekto ni teacher Sherwyne dahil malaking tulong umano iyon sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Screenshot mula sa video ni Sherwyne Manlangit

Loading…