Yorme nag-alok ng drive-thru Easytrip RFID installation sa Sabado at Linggo (Oct. 31- Nov. 1))

  • Nag-alok ng mass drive-thru Easytrip RFID installation si Yorme upang mabasawan ang mahabang pila ng mga nagpapakabit nito sa mga toll gate ng expressway
  • Gagawin ang RFID installation sa Kartilya ng Katipunan sa October 31 hanggang November 1 alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-sais ng gabi
  • Walang dokumentong kailangan para makabitan ng Easytrip RFID stickers
  • Magdala lang ng P200 para sa initial load ng RFID

Bilang pagsuporta sa Department of Transportation na gawing cashless at contactless ang transaksyon sa pagbabayad ng toll fee sa mga expressways ay nag-alok ni Manila City Mayor Isko Moreno ng drive-thru Easytrip RFID installation.

Imahe mula sa Manila PIO

Ang Easytrip RFID  stickers ay magagamit sa Metro Pacific Tollways Corporation-operated expressways na NLEX, Cavitex, CALAX, at SCTEX.

Ito ay upang makatulong na maibsan ang haba  ng pila ng mga sasakyang nagpapakabit ng RFID stickers sa mga installation sites sa mga toll gates.

Nakatakdang simulan ang cashless at contactless transaction sa mga expressways sa November 2, 2020, subalit marami pang mga sasaykan ang walang RFID stickers kaya pinalawig ito hanggang December 1.

Ang drive-thru RFID installation na alok ni Yorme ay dalawang araw gagawin sa Kartilya ng Katipunan na katabi lang ng Manila City Hall – sa Sabado, October 31, at Linggo, November 1 – mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

“Mayroon pong magaganap na drive-thru installation ibig sabihin mababawasan natin yung mahahabang pila sa mga toll gate na nabanggit at magaganap dito sa Kartilya sa may park,” anang alkalde.

Ang mass drive-thru RFID installation ay bukas lang para sa mga Class1 vehicles tulad ng kotse, sports utility vehicles at passenger van.

Imahe mula sa Manila PIO

“Kailan po? October 31, Saturday hanggang November 1. Nine a.m to 6 p. For class 1 vehicles only like cars, SUV and passenger vans. Kasi hindi naman po namin kakayanin ‘yung truck…. Mahirap po dito kumambiyada,” ani Mayor Isko Moreno.

Walang dokumentong kailangang dalhin. Kailangan lang magdala ng P200 pra sa inisyal na load ng RFID. Hinihiling din na magsuot ng face mask at face shield ang mga magpapakabit ng RFID stickers.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…